CITY AGRI FINGERLINGS
Ipinamahagi ang 55,000 pcs Tilapia Fingerlings sa labindalawang (12) mangingisda mula sa mga barangay ng Patalac, Pamaldan, Lourdes, Communal, Cabu, at Aduas Norte nitong August 12, 2022. Read More
COURTESY CALL WUP
Bumisita kay Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at sa Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan noong August 12, 2022 para sa courtesy call ang mga kawani at guro mula sa Wesleyan University-Philippines, sa pangunguna ng kanilang University President na si Judge Benjamin Turgano. Kanila ring pormal na ipinakilala ang international students at mga bisita ng WUP na nagmula sa Kingdom of Thailand. Read More
PMA
Bumisita kay Mayor Myca Elizabeth R. Vergara para sa courtesy call si Cadet 1CL Angelou R. Gayla ng Japan National Defense Academy ngayong August 12, 2022. Siya ay residente ng Brgy. Camp Tinio at isang Foreign Exchange Student mula sa Philippine Military Academy. Read More
CCPS
Nagdaos ng pulong ang Cabanatuan City Police Station (CCPS) at Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara kasama si Community Affairs Head, Mr. Mikko Vergara noong August 11, 2022. Dito ay tinalakay ni PLtCol. Carl Omar H. Fiel, Chief of Police, ang administrative and operational accomplishment report ng Cabanatuan City Police Station. Kasama sa nasabing pulong ang iba pang kawani ng CCPS. Read More
DOLE TUPAD ORIENTATION
Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD ORIENTATION nitong August 09, 2022, para sa pang-apat (4) na batch na dinaluhan ng 193 na benepisyaryo na mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Read More
BJMP
Nitong August 11, 2022, bumisita kay Mayor Myca Elizabeth R. Vergara sina Supt. Elvis Donglose, Insp. Marivic E. Milo at SJO4 Henry De Guzman ng Bureau of Jail Management and Penology upang talakayin ang mga usapin tungkol sa mga programa ng Pamahalaang Lungsod para sa Cabanatuan City District Jail. Read More
FLAG RAISING BB
Limang naggagandahang dilag ang magrerepresenta sa Lungsod ng Cabanatuan para sa Binibining Nueva Ecija 2022. Read More
FLAG RAISING GINOO
Kasabay ng isinagawang flag raising ceremony sa City Hall, pormal ding ipinakilala si Ginoong Muhammad Ismael Khan, mula sa Brgy. Aduas Norte. Siya ay magrerepresenta sa Lungsod ng Cabanatuan para sa Mr. Region of the Philippines na gaganapin sa Tarlac City sa darating na August 14, 2022. Read More
FLAG RAISING
Ginanap nitong August 8, 2022 ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan na pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara kasama ang City Health Office. Read More
NEWBORN PACKS
Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang newborn packages para sa mga magulang na taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang bagong silang na anak sa Office of the Local Civil Registrar (LCR). Ito ay sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara kasama ang Community Affairs Office upang magkaroon ng magandang panimula ang mga bagong magulang na residente ng Lungsod ng Cabanatuan. Read More
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|