Patuloy na disinfection ang isinasagawa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)
Noong May 1-7, 2021, pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang patuloy na disinfection sa iba’t-ibang lugar sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay upang mapanatiling malinis at ligtas ang mga ito mula sa mga nakahahawang sakit, lalo na sa COVID-19. Read More
Tuloy tuloy ang Anti-rabies vaccination handog ng City Veterinary Office
Nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang mga kawani ng City Veterinary Office sa iba't ibang barangay sa lungsod noong April 29 hanggang May 6, 2021. Mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop dahil ang rabies ay isang viral infection at animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal. Read More
City Business Licensing and Investment Promotion Office, nagsagawa ng inspeksyon sa mga business establishments
Sa pamamagitan ng City Business Licensing and Investment Promotion Office, pansamantalang ipinasarado ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang mga business establishments na lumabag sa Executive Order 014-2021 o AN ORDER PROVIDING FOR THE GUIDELINES IN PREVENTING THE FURTHER SPREAD OF COVID-19 IN THE CITY OF CABANATUAN. Ito ay naging epektibo noong April 19 hanggang May 1, 2021. Pansamantalang hindi pinayagang magbukas ang mga business establishments na nakasaad sa nasabing Executive Order. Read More
Paunang gamot o early treatment para sa mga pasyenteng may Covid-19 tinalakay
Mas pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang pagtupad sa mga programa at aktibidad na tugon sa kinakaharap nating pandemya,dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Kaugnay nito, ginanap ang lingguhang pulong ng lokal na Inter-Agency Task Force (IATF) noong May 3, 2021. Ito ay isinagawa sa isang open area sa Unified Command Center sa Cabanatuan City Hall Compound. Tinalakay dito ang lingguhang Accomplishment Reports ng walong City Health Centers sa iba’t ibang bahagi ng Lungsod. Sa pangunguna nina Dr. Homer Lim at Dr. Benigno Agbayani, binigyang-diin sa nasabing pagpupulong ang mga hakbang para sa paunang paggamot o early treatment ng mga pasyenteng may COVID-19. Read More
Tuloy tuloy na pagbabakuna laban sa Covid19 sa mga senior citizens
Simula noong April 16, 2021, nagbibigay na ng COVID-19 vaccine para sa mga senior citizen sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay nagaganap sa Sky Garden, 2nd floor ng SM City Cabanatuan at sa Cabanatuan City Vaccination Center sa City Hall Compound. Prayoridad ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, na mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19 ang mga senior citizen dahil sila ang pinaka-high-risk at vulnerable na sektor sa ating lipunan. Ang donasyon ng Covax na Sinovac vaccines ang ginagamit para sa senior citizens habang hinihintay na dumating ang mga biniling bakuna ng Pamahalaang Lungsod. Patuloy naman ang paghikayat sa mga mamamayan sa Lungsod, lalo na sa mga senior citizens na magpabakuna upang magkaroong ng proteksyon laban sa COVID-19. Read More
Libreng Anti-gen testing para sa mga barangay workers at mga tanod
Sinimulan nitong 2021 ng Pamahalaang Lungsod ang pagbibigay ng LIBRENG ANTIGEN TESTING para sa mga taga-Cabanatuan, lalo na sa mga mayroong sintomas ng COVID-19. Nagpupunta sa iba't ibang barangay ang mga kawani ng City Health Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office, sa pakikipagtulungan sa mga City Health Centers sa Lungsod, para sa pagsasagawa ng antigen testing. Kaugnay nito, sumailalim sa libreng rapid antigen testing ang mga barangay workers at barangay tanod ng iba't ibang barangay simula noong April 20, 2021. Ito ay upang masigurado ang kanilang kalusugan habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mga lingkod-bayan. Nagsagawa rin ng Antigen Testing ang CDRRMO sa mga empleyado ng Regional Trial Court sa Cabanatuan City Hall of Justice nitong April 19, 2021. Humiling ang Regional Trial Court kay Mayor Myca Elizabeth R. Vergara na maipa-antigen test ang kanilang mga kawani dahil sa ilang empleyado nito na nagpositibo sa COVID-19. Sumailalim din sa Antigen testing ang mga kawani ng PNP Cabanatuan upang masigurado na sila ay nananatiling ligtas at malusog para patuloy na makapagpatupad ng mga alituntunin ng lungsod para sa mga mamamayan ng Cabanatuan. Read More
City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) nagsagawa ng disinfection
Upang masigurado ang kaligtasan ng komunidad, pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang pagsasagawa ng disinfection sa mga ibat-ibang lugar sa lungsod. -Patuloy ang pagsasagawa ng food assistance sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office para sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 bilang pagpapatuloy ng programa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan na bigyang tulong ang mga higit na naapektuhan ng COVID-19. Read More
Local Inter Agency Task Force nagpulong para sa paghahanda sa pagtaas ng kaso sa lungsod
Nitong April 19, 2021, muling nagkaroon ng pagpupulong ang lokal na Inter Agency Task Force ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Kabilang din sa nasabing pulong ang mga kinatawan ng walong City Health Centers sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay mula sa mga barangay ng Mayapyap Sur, San Josef Norte, Bangad, Mabini Homesite, Quezon District, Caalibangbangan, H. Concepcion, Camp Tinio. Tinalakay dito ang lumalaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Dahil dito, patuloy pa rin ang isinasagawang antigen at RT-PCR testing. Gayundin, muling pinaalalahanan ang mga barangay officials na sumunod sa guidelines na inilatag ng Department of Health, lalo na kung mayroong COVID-19 patients sa kanilang barangay. Pinaigting rin ang paghahanda ng Local IATF sa posibleng pag-angat ng kaso sa dalawa o tatlong libo. Nasabi rin sa naturang pagpupulong na nakagayak ang Pamahalaang Lungsod sa pagbili ng mga gamot na ipamimigay para sa mga pasyenteng may mild/moderate cases ng COVID-19. Read More
Libreng Anti-Rabies para sa mga alagang hayop natin
Nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office sa barangay ng Caridad at Mabini Extension. Mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop dahil ang rabies ay isang viral infection at animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal. Read More
Mga Empleyado ng City Hall Sumailalim Muli sa Antigen Testing
Dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cabanatuan, kabilang ang ilang empleyado ng Pamahalaang Lungsod, isinailalim sa rapid antigen test ang lahat ng empleyado ng City Hall, gayundin ang mga kawani ng iba pang tanggapan sa loob ng City hall compound noong March 26-27, 2021. Read More
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|