Food Assistance para sa mga Pasyenteng Nagpositibo sa COVID-19, Isinagawa.
Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.
Free Antigen Test para sa mga Mamayan ng Cabanatuan na may sintomas!
Bilang tugon sa dumaraming kaso ng COVID-19, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsasagawa ng libreng antigen test sa mga taga-Cabanatuan na mayroong sintomas at close contact ng mga nagpositibo sa COVID-19. Ang antigen testing ay isinasagawa ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na mayroong antigen area o booth sa CDRRMO Bldg., City Hall Compound. Samantala, sa pamamagitan naman City Health Office ay pinupuntahan sa kani-kanilang tahanan ang mga pasyenteng may sintomas o close contacts. Narito po ang mga contact numbers ng City Health Centers na maaaring tawagan o itext kung ikaw ay close contact o mayroong sintomas ng COVID-19: Read More
Ang Pamahalaang Lungsod ay Nabiyayaan ng Cheke bilang bahagi ng Kadiwa Cold Chain Project
Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ay lubos na nagpapasalamat sa Department of Agriculture (DA) - Bureau of Animal Industry (BAI) at National Livestock Program (NLP) dahil sa kanilang cheque donation sa lungsod bilang bahagi ng Kadiwa Cold Chain Project. Ang donasyon ay gagamitin sa pagbili ng chillers at freezers na ipapamahagi sa mga frozen meat dealers sa Cabanatuan Public Market at Sangitan Public Market. Ito ay upang makasigurado ang mga mamimili na ang mga karneng kanilang bibilhin ay ligtas at abot kaya. Ang turnover ng donasyon ay ginanap nitong January 14, 2022 at dinaluhan nina DA Undersecretary for Livestock Dr. William C. Medrano, BAI-OIC Director Dr. Reildrin Morales, City Veterinarian Dr. Lorna Rivera at CEEPUMO Head Mr. Ronnie Punzal. Read More
Mobile Vaccination sa mga iba’t ibang Establishments, Isinagawa!
Patuloy ang pagbibigay ng 1st dose, 2nd dose, at booster shots ng COVID-19 Vaccine para sa mga mamamayan ng iba't ibang vaccination sites sa Lungsod ng Cabanatuan nitong January 10-14, 2022. Nagsasagawa rin ng mobile vaccination sa iba't ibang business establishments sa Lungsod ng Cabanatuan. Narito po ang mga numero ng VOC HELPDESK: 0998-500-2710, 0998-500-2750, 0998-500-2725. Para naman sa business establishments, maaaring makipag-ugnayan sa CBLIPO sa numerong 0919-089-9869 o 0955-563-0202. Read More
Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.
Patuloy ang pamimigay ng Newborn Packages para sa mga magulang na nagparehistro ng kanilang bagong silang na anak sa Office of the Local Civil Registrar. Ito ay sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at ng Pamahaaang Lungsod upang magkaroon ng magandang panimula ang mga bagong magulang na residente ng Lungsod ng Cabanatuan. Read More
Free Antigen Test para sa mga Mamayan ng Cabanatuan na may sintomas!
Bilang tugon sa dumaraming kaso ng COVID-19, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsasagawa ng libreng antigen test sa mga taga-Cabanatuan na mayroong sintomas at close contact ng mga nagpositibo sa COVID-19. Ang antigen testing ay isinasagawa ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na mayroong antigen area o booth sa CDRRMO Bldg., City Hall Compound. Samantala, sa pamamagitan naman City Health Office ay pinupuntahan sa kani-kanilang tahanan ang mga pasyenteng may sintomas o close contacts. Narito po ang mga contact numbers ng City Health Centers na maaaring tawagan o itext kung ikaw ay close contact o mayroong sintomas ng COVID-19: Read More
HANDOG PARA SA DISTRITO nina Congresswoman Ria at Cabanatuan City Presiding Officer Jay Vergara, Tuloy-tuloy!
Dumating na ang programang HANDOG PARA SA DISTRITO nina Congresswoman Ria at Cabanatuan City Presiding Officer Jay Vergara sa Cabanatuan City para sa pinakahihintay na pamamahagi ng mga munting handog para sa kanilang mga ka-distrito. Iba't ibang barangay sa lungsod ang mga nakatanggap ng timba na naglalaman ng mga sangkap para sa pangsalu-salo ng bawat pamilya tulad ng hotdog, spaghetti sauce, pasta at maging bigas na MULA SA PERSONAL NA PONDO ng PAMILYA VERGARA. Kasama sina Board Members EJ Ballesteros Joson at Jojo Matias ay binisita nina Cong. Ria ang bawat ka-distrito at inalam ang kanilang kalagayan at mga pangangailangan. Layunin ng programang #HandogParaSaDistrito nina Ria at Jay Vergara na makapaghatid ng KALINGA NA LAHAT KASAMA AT WALANG PINIPILI sa buong Ikatlong Distrito ng Nueva Ecija. Read More
Resbakuna sa mga Vaccination Centers, Tuloy-tuloy!
Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang pagbibigay ng booster shot ng COVID-19 vaccine para sa mga senior citizens at iba pang priority groups sa lungsod. Ito ay ibinibigay para sa mga fully vaccinated na mamamayan simula nang mag-umpisa ang pagbabakuna hanggang noong June 2021. Ang pagbibigay ng booster shot ay isinagawa nitong January 3-7, 2022. Read More
Tuloy-tuloy na Pagbabakuna Laban sa Covid-19, Ginanap sa mga Barangay!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|