MOA Signing at Turn-over ng mga Farm Machineries para sa mga Benepisyaryo
March 10, 2021

-      Opisyal na isinagawa ang MOA signing at turn-over ng tatlong unit ng 4-wheel tractor para sa tatlong benepisyaryo na SAHOD ULAN FARMES ASSOCIATION, CAALIBANGBANGAN FARMERS ASSOCIATION AT UNITED FARMERS AGRI. COOPERATIVES. Ang paghahatid ng mga makinarya ay pinangunahan ng kinatawan ng Philmech at Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Provincial Focal Person na si Engr. Roland F. Ruiz. Ito ay dinaluhan nina Mayor Myca Elizabeth Vergara at City Agriculture Office Department Head Engr. Lenidia Reyes. Read More



Pagpapasinaya ng Bagong Barangay Hall ng Brgy. Caridad
March 10, 2021

-     Dumalo si Mayor Myca Elizabeth Vergara sa pagpapasinaya ng bagong Barangay Hall sa Brgy. Caridad. Ang pagpapatayo ng gusaling ito ay naging posible sa pagtutulungan ng DPWH, Cong. Ria Vergara, Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan at pamunuan ng Brgy. Caridad.  Read More



Jesus V. Del Rosario Foundation at KServico, Nagbigay bilang Donasyon ng Limang Unit ng Baja RE
March 10, 2021

-     Napili ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan bilang beneficiary ng limang unit ng Bajaj RE na donasyon ng Jesus V. Del Rosario Foundation at KServico. Ang mga nasabing unit ng behikulo ay ibinigay upang magamit ng mga frontliners sa paghahatid-serbisyo sa mga mamamayan. Ito ay isa sa mga paraan ng KServico upang tumupad sa kanilang corporate social responsibility, lalo na sa panahon ng pandemya na ating nararanasan sa kasalukuyan. Ang pormal na awarding ceremony ay ginanap noong Pebrero 23, 2021 sa Cabanatuan City hall.  Read More



Libreng Anti-Rabies Vaccination handog ng City Veterinary Office
March 10, 2021

-    Ang rabies ay viral infection at isang animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal, kagaya ng aso at pusa. Kaya naman mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop. Kaugnay nito, nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office sa iba't ibang barangay sa ating lungsod.  Read More



Flag Raising Ceremony March 8, 2021
March 08, 2021

Idinaos noong March 8, 2021 ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay pinangunahan ng Cabanatuan City Fire Station. Dinaluhan rin ito ng mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod at PNP Cabanatuan.  Read More



Tuloy-tuloy na Pagsasagawa ng Anti-rabies Vaccination
March 05, 2021


Fogging Operations Kontra Dengue muling Isinagawa
March 05, 2021

Nitong March 1-5, 2021, muling nagsagawa ng fogging operations ang City Health Office sa iba't ibang barangay sa ating lungsod. Kabilang dito ang mga barangay ng Cabu, Pangatian, Bangad, Camp Tinio, Kalikid Norte, Bakod Bayan, Kalikid Sur at Patalac.  Read More



Mga karagdagang kaalaman ukol sa bakuna laban sa COVID-19.
March 04, 2021


Impormasyon sa Bakuna
March 04, 2021

Alamin ang totoong impormasyon sa bakuna laban sa Coivd-19: Read More



LGU Cabanatuan Flag Raising Ceremony – March 01, 2021
March 01, 2021


1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22