Resbakuna Ginanap sa mga Vaccination Centers sa Pangunguna ng City Health Office!
November 15, 2021

Patuloy rin na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ang COVID-19 Vaccination para sa priority groups na A1, A2, A3, A4, at A5 sa iba't ibang vaccination sites sa lungsod. Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod sa pang-unawa ng mga taga-Cabanatuan na matiyagang naghihintay para sa kanilang bakuna. Read More



Mga tindero at tindera ng Cabanatuan City Public Market at Sangitan Market ay muling sumailalim sa libreng anti-gen testing
May 14, 2021

Sa pamamagitan ng Cabanatuan City Disaster Risk Reduction and Management Office, isinailalim sa libreng Antigen testing ang mga tindero at tindera sa Cabanatuan City Public Market at Sangitan Public Market. Ito ay para masigurado na sila ligtas mula sa COVID-19 sa gitna ng kanilang paghahanapbuhay at bilang proteksyon na rin para sa mga mamimili. Gamit ang ambulansya at makeshift tents ng Pamahalaang Lungsod, ginanap ang nasabing testing noong Mayo 5-6, 2021 sa open areas sa compound ng dalawang palengke. Read More



Food assistance ipinamahagi para sa mga pamilya na naapektuhan ng Covid-19
May 14, 2021

Patuloy ang pagsasagawa ng food assistance distribution, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office para sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 bilang pagpapatuloy ng programa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan na bigyang tulong ang mga higit na naapektuhan ng COVID-19. Ito ay ginanap nitong May 1-7, 2021 sa iba't ibang barangay sa lungsod ng Cabanatuan.  Read More



Muling nagsagawa ng libreng anti-gen testing ng mga barangay workers at mga tanod ang Pamahalaang Lungsod para sa mga natitirang barangay
May 14, 2021

Bilang pagpapatuloy sa programa ng Lungsod na may layuning masigurado ang kalusugan ng mga kawani ng barangay habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, tuloy-tuloy parin ang pagsasagawa ng libreng rapid antigen testing sa mga barangay workers at barangay tanod sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Sumadya ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga barangay ng Magsaysay Norte, Magsaysay Sur, San Josef Sur, Zulueta, San Josef Norte, Bantug Norte, Pangatian, Patalac, Polilio, Samon, Sto. Niño, Caudillo, Ibabao-Bana, Isla, Sumacab Norte, Sumacab Sur at Talipapa gamit ang mga ambulansya ng Pamahalaang Lungsod nitong May 3-6, 2021 para sa nasabing testing. Read More



Patuloy na disinfection ang isinasagawa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)
May 14, 2021

Noong May 1-7, 2021, pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang patuloy na disinfection sa iba’t-ibang lugar sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay upang mapanatiling malinis at ligtas ang mga ito mula sa mga nakahahawang sakit, lalo na sa COVID-19.  Read More



Tuloy tuloy ang Anti-rabies vaccination handog ng City Veterinary Office
May 14, 2021

Nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang mga kawani ng City Veterinary Office sa iba't ibang barangay sa lungsod noong April 29 hanggang May 6, 2021. Mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop dahil ang rabies ay isang viral infection at animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal.  Read More



City Business Licensing and Investment Promotion Office, nagsagawa ng inspeksyon sa mga business establishments
May 14, 2021

Sa pamamagitan ng City Business Licensing and Investment Promotion Office, pansamantalang ipinasarado ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang mga business establishments na lumabag sa Executive Order 014-2021 o AN ORDER PROVIDING FOR THE GUIDELINES IN PREVENTING THE FURTHER SPREAD OF COVID-19 IN THE CITY OF CABANATUAN. Ito ay naging epektibo noong April 19 hanggang May 1, 2021. Pansamantalang hindi pinayagang magbukas ang mga business establishments na nakasaad sa nasabing Executive Order. Read More



Paunang gamot o early treatment para sa mga pasyenteng may Covid-19 tinalakay
May 14, 2021

Mas pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang pagtupad sa mga programa at aktibidad na tugon sa kinakaharap nating pandemya,dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Kaugnay nito, ginanap ang lingguhang pulong ng lokal na Inter-Agency Task Force (IATF) noong May 3, 2021. Ito ay isinagawa sa isang open area sa Unified Command Center sa Cabanatuan City Hall Compound. Tinalakay dito ang lingguhang Accomplishment Reports ng walong City Health Centers sa iba’t ibang bahagi ng Lungsod. Sa pangunguna nina Dr. Homer Lim at Dr. Benigno Agbayani, binigyang-diin sa nasabing pagpupulong ang mga hakbang para sa paunang paggamot o early treatment ng mga pasyenteng may COVID-19.  Read More



Tuloy tuloy na pagbabakuna laban sa Covid19 sa mga senior citizens
May 14, 2021

Simula noong April 16, 2021, nagbibigay na ng COVID-19 vaccine para sa mga senior citizen sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay nagaganap sa Sky Garden, 2nd floor ng SM City Cabanatuan at sa Cabanatuan City Vaccination Center sa City Hall Compound. Prayoridad ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, na mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19 ang mga senior citizen dahil sila ang pinaka-high-risk at vulnerable na sektor sa ating lipunan. Ang donasyon ng Covax na Sinovac vaccines ang ginagamit para sa senior citizens habang hinihintay na dumating ang mga biniling bakuna ng Pamahalaang Lungsod. Patuloy naman ang paghikayat sa mga mamamayan sa Lungsod, lalo na sa mga senior citizens na magpabakuna upang magkaroong ng proteksyon laban sa COVID-19. Read More



Libreng Anti-gen testing para sa mga barangay workers at mga tanod
May 14, 2021

Sinimulan nitong 2021 ng Pamahalaang Lungsod ang pagbibigay ng LIBRENG ANTIGEN TESTING para sa mga taga-Cabanatuan, lalo na sa mga mayroong sintomas ng COVID-19. Nagpupunta sa iba't ibang barangay ang mga kawani ng City Health Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office, sa pakikipagtulungan sa mga City Health Centers sa Lungsod, para sa pagsasagawa ng antigen testing. Kaugnay nito, sumailalim sa libreng rapid antigen testing ang mga barangay workers at barangay tanod ng iba't ibang barangay simula noong April 20, 2021. Ito ay upang masigurado ang kanilang kalusugan habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mga lingkod-bayan. Nagsagawa rin ng Antigen Testing ang CDRRMO sa mga empleyado ng Regional Trial Court sa Cabanatuan City Hall of Justice nitong April 19, 2021. Humiling ang Regional Trial Court kay Mayor Myca Elizabeth R. Vergara na maipa-antigen test ang kanilang mga kawani dahil sa ilang empleyado nito na nagpositibo sa COVID-19. Sumailalim din sa Antigen testing ang mga kawani ng PNP Cabanatuan upang masigurado na sila ay nananatiling ligtas at malusog para patuloy na makapagpatupad ng mga alituntunin ng lungsod para sa mga mamamayan ng Cabanatuan.  Read More



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27  28  29  30  31  32  33  34  35  36  37  38  39  40