City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) nagsagawa ng disinfection
May 14, 2021

Upang masigurado ang kaligtasan ng komunidad, pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang pagsasagawa ng disinfection sa mga ibat-ibang lugar sa lungsod. -Patuloy ang pagsasagawa ng food assistance sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office para sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 bilang pagpapatuloy ng programa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan na bigyang tulong ang mga higit na naapektuhan ng COVID-19. Read More



Local Inter Agency Task Force nagpulong para sa paghahanda sa pagtaas ng kaso sa lungsod
May 14, 2021

Nitong April 19, 2021, muling nagkaroon ng pagpupulong ang lokal na Inter Agency Task Force ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Kabilang din sa nasabing pulong ang mga kinatawan ng walong City Health Centers sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay mula sa mga barangay ng Mayapyap Sur, San Josef Norte, Bangad, Mabini Homesite, Quezon District, Caalibangbangan, H. Concepcion, Camp Tinio. Tinalakay dito ang lumalaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Dahil dito, patuloy pa rin ang isinasagawang antigen at RT-PCR testing. Gayundin, muling pinaalalahanan ang mga barangay officials na sumunod sa guidelines na inilatag ng Department of Health, lalo na kung mayroong COVID-19 patients sa kanilang barangay. Pinaigting rin ang paghahanda ng Local IATF sa posibleng pag-angat ng kaso sa dalawa o tatlong libo. Nasabi rin sa naturang pagpupulong na nakagayak ang Pamahalaang Lungsod sa pagbili ng mga gamot na ipamimigay para sa mga pasyenteng may mild/moderate cases ng COVID-19.  Read More



Libreng Anti-Rabies para sa mga alagang hayop natin
May 14, 2021

Nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office sa barangay ng Caridad at Mabini Extension. Mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop dahil ang rabies ay isang viral infection at animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal.  Read More



Mga Empleyado ng City Hall Sumailalim Muli sa Antigen Testing
March 31, 2021

Dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cabanatuan, kabilang ang ilang empleyado ng Pamahalaang Lungsod, isinailalim sa rapid antigen test ang lahat ng empleyado ng City Hall, gayundin ang mga kawani ng iba pang tanggapan sa loob ng City hall compound noong March 26-27, 2021. Read More



Clearing Operations Tuloy-tuloy pa din!
March 31, 2021

Sa pangunguna ng Office of the City Building Official, patuloy ang pagmomonitor sa iba't ibang kalsada sa Lungsod ng Cabanatuan upang masigurado na nasusunod ang mga alituntunin na itinakda ng DILG tungkol sa road clearing operations. Ang nasabing tanggapan ay nagsagawa ng inspeksyon sa iba't ibang bahagi ng lungsod noong Marso 22, 2021. Read More



Courtesy Call ng Bagong Branch Manager ng Primewater Infrastructure Corporation
March 31, 2021

Noong Marso 23, 2021, nag-courtesy call kay Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang bagong branch manager ng Primewater Infrastructure Corporation na si Ms. Shaly S. Lopez. Nagpamahagi rin sila ng mga face shield, organic fertilizer at vegetable seeds na itinurn-over naman sa CDRRMO at City Agriculture Office.  Read More



Pagpapa-alala Patungkol sa Executive Order 010-2021
March 31, 2021

Patuloy naman ang pagpapa-alala ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, sa mga mamamayan ng Cabanatuan na sumunod sa mga itinakdang alituntunin upang makaiwas sa pagkalat ng sakit. Kaugnay nito ay inilathala ang Executive Order 010-2021 o An Order providing for the Additional Policies and Guidelines from the period of March 23, 2021 to April 04, 2021 at the City of Cabanatuan. Read More



Resbakuna Tuloy-Tuloy!
March 31, 2021


City Health Office at World Health Organization Nagsagawa ng Dokyumentasyon
March 31, 2021

Sa pakikipagtulungan sa City Health Office, ang World Health Organization ay nagsagawa ng documentation sa mga pasyente sa rural areas at indigenous community sa lungsod ng Cabanatuan para sa mga routine immunizations na isinasagawa. Si Mr. Veejay Villafranca ang photojournalist ng WHO na nanguna sa nasabing aktibidad. Read More



City Agriculture Office Nagsagawa ng Field Validation
March 31, 2021

Noong March 16, 2021, sa pangunguna ng City Agriculture Office, nagsagawa ng Field Validation and Monitoring of Rice Pests & Diseases Affected with Green Leaf Hoppers, Bacterial Leaf Streak and Yellow Dwarf sa mga barangay ng San Isidro, Lourdes, at Valle Cruz.  Read More



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27  28  29  30  31  32  33  34  35  36  37  38  39  40