Local Social Pension para sa mga PWDs, Ginanap
Isinagawa ang pagbibigay ng Local Social Pension para sa 600 Persons with Disability o PWDs sa lungsod ng Cabanatuan. Patuloy ang pagkalinga ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa PWDs kung saan nakatanggap ng PhP 1,000.00 bawat isa. Sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth Vergara katuwang ang City Social and Development Office matagumpay itong naisagawa noong November 29 at December 1, 2021 sa OSCA Covered Court, Kapitan Pepe Cabanatuan City. Nagsagawa din ng door-to-door payout ang mga kawani ng CSWDO sa iba't ibang barangay. Layunin ng programang ito na maibsan ang hirap ng mga PWDs para makatulong sa kanilang pangangailangang medikal. Read More
Resbakuna sa mga Vaccination Centers, Tuloy-tuloy!
Patuloy rin na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ang COVID-19 Vaccination para sa iba't ibang priority groups sa mga vaccination sites sa lungsod. Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod sa pang-unawa ng mga taga-Cabanatuan na matiyagang naghihintay para sa kanilang bakuna. Read More
Tuloy-tuloy na Pagbabakuna Laban sa Covid-19, Ginanap sa mga Barangay!
Patuloy ang pagbibigay ng COVID-19 Vaccine sa mga mamamayan ng iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan nitong November 29-December 3, 2021, kasabay na rin ng pagdiriwang ng National COVID-19 Vaccination Days. Ito ay sa pamamagitan ng Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination Program. Layunin ng programang ito na mailapit sa mga mamamayan, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang pagbisita sa mga barangay kung saan nagsasagawa ng pagbabakuna. Read More
Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.
Patuloy ang pamimigay ng Newborn Packages para sa mga magulang na nagparehistro ng kanilang bagong silang na anak sa Office of the Local Civil Registrar. Ito ay sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at ng Pamahaaang Lungsod upang magkaroon ng magandang panimula ang mga bagong magulang na residente ng Lungsod ng Cabanatuan. Read More
UCT (Unconditional Cash Transfer) Cash Card Distribution para sa 3,020 Benepisyaryo, Ginanap
Sa pangunguna ng DSWD Regional Office 3, katuwang ang Landbank of the Philippines at Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, nagsagawa ng UCT (Unconditional Cash Transfer) cash card distribution sa 3,020 benepisyaryo na naglalaman ng kanilang kabuuang cash grant para sa taong 2020. Ito ay sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Sinuri at pinatunayan ng mga kawani ng DSWD at ng CSWDO ang mga dokumento ng mga benipisyaryo habang ipinamahagi ng kawani ng Landbank of the Philippines ang cash cards. Ang mga benepisyaryo ng UCT ay kabilang sa mga natukoy na pinakamahihirap sa pamamagitan ng DSWD Listahanan at lubos na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng TRAIN Law. Ang pamamahagi ng UCT cash card ay isinagawa noong November 13, 20 at 27, 2021 sa SM City Cabanatuan. Read More
DOLE TUPAD Payout, Pinangunahan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija
Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD PAYOUT noong November 26, 2021 para sa Batch 5 Group 4 na dinaluhan ng 112 na benepisyaryo at Batch 6 Group 2 na mga parents of child labor na mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho na may kaukulang sweldo na P420 kada araw. Read More
45th Regular Weekly Session
45th Read More
44th Regular Weekly Session
44th Read More
Compliance Training on Good Governance for Cooperatives Ginanap sa Brgy. D.S. Garcia
Resbakuna sa mga Vaccination Centers, Tuloy-tuloy!
Patuloy rin na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ang COVID-19 Vaccination para sa iba't ibang priority groups sa mga vaccination sites sa lungsod. Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod sa pang-unawa ng mga taga-Cabanatuan na matiyagang naghihintay para sa kanilang bakuna. Read More
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|