Resbakuna, Tuloy-tuloy sa mga Vaccination Center
June 04, 2021

Patuloy parin ang COVID-19 Vaccination Program ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan para sa mga Senior Citizen at persons with comorbidities. Sa kasalukuyan mayroong tatlong Vaccination Center ang ating lungsod, na matatagpuan sa CDRRMO Gym sa City Hall Compound, SM City Cabanatuan, at Our Lady of Fatima University Gymnasium.  Read More



Programang Government Internship Program o GIP, Inilunsad.
June 04, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagkaroon muli ng Government Internship Program o GIP.Isa itong programa ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ito ay inilunsad ng Public Employment Service Office (PESO) ng ating lungsod. Naging posible ang programang ito sa pagtutulungan nina Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara. Ang DOLE-GIP ay alinsunod sa Executive Order (EO) no. 139 s. 1993, at DOLE Administrative Order No. 260-15, na naglalayong makapagbigay ng pagkakataon sa kabataan na makapagtrabaho sa mga ahensya ng pamahalaan. Kaugnay nito, ginanap ang orientation at interview na dinaluhan ng 45 na kabataan mula sa iba't ibang barangay. Sila ang mapapabilang sa Batch 1 ng DOLE-GIP na magtatrabaho sa loob ng tatlong (3) buwan. Pinangunahan ni Justine Salac, Labor and Employment Officer II ng DOLE-Nueva Ecija, ang nasabing orientation. Kasama rin dito si PESO Cabanatuan Supervising Labor and Employment Officer Ronneil Sanopo.  Read More



Libreng Bakuna Laban sa Covid-19 Isinagawa sa Iba’t ibang Vaccination Center
June 04, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay patuloy na nagbibigay ng libreng bakuna laban sa COVID-19 sa mga Senior Citizens ng ating lungsod. Ito ay pinangunahan ng Cabanatuan City Health Office upang masiguro na ang pagbabakuna sa mga Senior Citizen ay may maayos na sistema. Ang pagbabakuna ay isinagawa sa Our Lady of Fatima University Gymnasium, SM City Cabanatuan at Cabanatuan City Vaccination Center sa City Hall Compound. Read More



Libreng Anti-Rabies Vaccination Pinangunahan ng City Veterinary Office
June 04, 2021

Sumadya ang mga kawani ng City Veterinary Office sa Brgy. Camp Tinio noong May 18, 2021 para sa libreng Anti-Rabies Vaccination sa mga alagang hayop. Mahalagang magkaroon ng Anti-Rabies Vaccine ang mga alaga nating hayop. Ang Rabies ay isang viral infection at animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal.  Read More



Disinfection sa mga iba’t ibang Lugar, Lalong Pina-igting
June 04, 2021

Sa kagustuhan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara na masigurado ang kaligtasan ng komunidad, pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang pagsasagawa ng disinfection sa iba’t-ibang lugar sa lungsod ng Cabanatuan nitong May 17 at 18, 2021.  Read More



Food Assistance para sa mga Pasyenteng Nagpositibo sa COVID-19, Tuloy-tuloy ang Pamamahagi
June 04, 2021

Patuloy ang pamimigay ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ng food assistance para sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19. Pinangunahan ito ng City Social Welfare and Development Office para mabigyan ng tulong ang mga higit na naapektuhan ng pandemyang ito. Ito ay ginanap noong May 17-21, 2021 sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan.  Read More



Mayor Myca Vergara Nagsagawa ng Ocular Inspection para sa Pagapapalawak ng Vaccination Program
June 04, 2021

Noong Mayo 17, 2021, nagsagawa ng ocular inspection si Mayor Myca Elizabeth R. Vergara sa mga eskwelehan na nakamungkahing gawin bilang karagdagang Vaccination Center dito sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay paghahanda sa pagpapalawak ng Vaccination Program sa loob ng ating lungsod. Kasama rin sa nasabing inspection ang OIC ng City Disaster Risk Reduction and Management Office na si Mr. Eugene Mintu, City Health Officer Dr. Arminda Adecer, at Dr. Giovanni Garcia. Kabilang sa mga binisita nila ay ang Araullo University, Wesleyan University-Philippines at Our Lady of Fatima University.  Read More



Lingguhang Pagpupulong ng lokal na Inter-Agency Task Force (IATF) nitong May 17, 2021
June 04, 2021

Muling idinaos ang lingguhang pagpupulong ng lokal na Inter-Agency Task Force (IATF) bilang pagpapaigting sa mga programa at aktibidad ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan laban sa kinakaharap nating pandemya. Inilahad sa nasabing pagpupulong ang lingguhang Accomplishment Reports ng walong City Health Centers. Tinalakay rin dito ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga barangay na nasasakupan ng iba't-ibang City Health Centers sa lungsod at iba pang COVID-19 related issues and concerns. Ito ay ginanap sa open area sa Unified Command Center sa Cabanatuan City Hall Compound nitong Mayo 17, 2021.  Read More



Lingguhang Pagpupulong ng lokal na Inter-Agency Task Force (IATF) nitong May 17, 2021
June 04, 2021

Muling idinaos ang lingguhang pagpupulong ng lokal na Inter-Agency Task Force (IATF) bilang pagpapaigting sa mga programa at aktibidad ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan laban sa kinakaharap nating pandemya. Inilahad sa nasabing pagpupulong ang lingguhang Accomplishment Reports ng walong City Health Centers. Tinalakay rin dito ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga barangay na nasasakupan ng iba't-ibang City Health Centers sa lungsod at iba pang COVID-19 related issues and concerns. Ito ay ginanap sa open area sa Unified Command Center sa Cabanatuan City Hall Compound nitong Mayo 17, 2021.  Read More



Payout ng Programang DOLE-TUPAD, Pinangunahan ng Public Employment Service Office o PESO
June 04, 2021

Sa pamamagitan ng programang DOLE-TUPAD, pinangunahan ng Public Employment Service Office o PESO ang payout para sa 423 na displaced workers mula sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan Ito ay ginanap noong May 12 at 13, 2021. Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng 10-30 araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho. Ang nasabing aktibidad ay naging matagumpay sa pagtutulungan nina Cong. Rosanna "Ria" Vergara at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Read More



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19