Home > News > NEWBORN PACKS

NEWBORN PACKS

August 31, 2022

Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang newborn packages para sa mga magulang na taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang bagong silang na anak sa Office of the Local Civil Registrar (LCR). Ito ay sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara kasama ang Community Affairs Office upang magkaroon ng magandang panimula ang mga bagong magulang na residente ng Lungsod ng Cabanatuan.

Para sa mga katanungan tungkol sa programang ito, maaari pong makipag-ugnayan sa LCR sa numerong 0919-081-4548.