Home > News > DRRM INSPECTION CIC

DRRM INSPECTION CIC

August 30, 2022

Sa pamamagitan ng Lokal IATF sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, nagsagawa ang mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng pag-iinspeksyon sa mga eskwelahan na magbubukas para sa face-to-face classes ngayong darating na pasukan.

Kasama rin ng CDRRMO ang mga kawani mula sa City Business Licensing and Promotion Office, City Health Office, City Information Office, City Engineering Office, at City Motorpool Office. Ito ay upang masigurado na sumusunod sa minimum public health standards ang mga eskwelahan para sa kaligtasan ng mga estudyante.