Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.
Patuloy ang pamimigay ng Newborn Packages para sa mga magulang na nagparehistro ng kanilang bagong silang na anak sa Office of the Local Civil Registrar. Ito ay sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at ng Pamahaaang Lungsod upang magkaroon ng magandang panimula ang mga bagong magulang na residente ng Lungsod ng Cabanatuan. Read More
MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City", Sinimulan na!
Bilang bahagi ng MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City" at “Balik Kalinga sa Kalikasan at Kalinisan Program, sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, ang Barangay Caravan ng Clean! Clean! Clean! Project. Simula noong March 7, 2022, umikot sa iba't ibang barangay ang Cabanatuan City Environment and Natural Resources Office (CCENRO) para ipabatid ang hudyat ng pagsisimulang muli ng nasabing proyekto. Layunin ng programang ito na mapanatiling malinis ang ating mga barangay at hikayatin ang bawat isa na makilahok. Read More
Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan nagdiriwang ng National Women's Month!
Opisyal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa pangununa ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang National Women's Month Celebration na may temang "We Make Change Work for Women, Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran". Ito ay idinaos sa flag raising ceremony sa Cabanatuan City Hall noong March 7, 2022. Kasabay nito, nagkaroon rin ng maikling programa ang CSWDO-Local Council of Women. Nagbigay ng pambungad na mensahe si CSWDO Head Ms. Helen Bagasao at sinundan rin ng inspirational messages mula kina Councilor Ruben Ilagan V at Mayor Myca Vergara. Nagsuot rin sila ng kulay lila na damit bilang pagpapahiwatig ng suporta sa women empowerment and gender equality. Read More
LGU Cabanatuan tumanggap ng Panata Ko Sa Bayan Award!
Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ay tumanggap ng Panata ko sa Bayan Award "for Achieving the Highest Rating (Level 3) during the LSWDO Service-Delivery Assessment". Ang pagtanggap ng nasabing gantimpala ay pinangunahan ni CSWDO Head na si Mrs. Helen S. Bagasao. Ito ay ginanap nitong March 7, 2022 sa Otel Pampanga, bilang bahagi ng ika-71 taong anibersaryo ng DSWD Regional Office III. Read More
Bakuna para sa mga edad 5-11 na gulang, Tuloy-tuloy!
Patuloy rin ang VOC Cabanatuan sa pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa mga batang 5-11 years old. Ito ay sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Upang malibang ang mga bata habang naghihintay na mabakunahan, mayroong film showing, makukulay na dekorasyon at loot bags na ibinibigay para sa kanila. Maaari pa ring iparehistro ang mga batang edad 5-11 upang mabakunahan laban sa COVID-19. Gamitin lamang ang link na ito: https://tinyurl.com/myCabVaccineMinor Read More
Mobile Vaccination sa mga iba’t ibang Vaccination Sites at mga Establishments, Isinagawa!
Mobile Vaccination sa mga iba’t ibang Vaccination Sites at mga Establishments, Isinagawa! Read More
Food Assistance Ibinahagi sa iba’t ibang Barangay!
Sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagpapamahagi ng food assistance sa iba't ibang barangay sa Lungsod. Katuwang rito ay ang City Social Welfare and Development Office. Ito ay ginanap noong February 28-March 4, 2022. Read More
Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.
Patuloy ang pamimigay ng Newborn Packages para sa mga magulang na nagparehistro ng kanilang bagong silang na anak sa Office of the Local Civil Registrar. Ito ay sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at ng Pamahaaang Lungsod upang magkaroon ng magandang panimula ang mga bagong magulang na residente ng Lungsod ng Cabanatuan. Read More
DOLE TUPAD Orientation, Muling Umarangkada!
Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD ORIENTATION nitong March 1, 2022 para sa Batch 9 ng taong 2021 na dinaluhan ng 108 na benepisyaryo na mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara, Senator Joel Villanueva, Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at tanggapan ng Department of Labor and Employment. Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho na may kaukulang sweldo na P420 kada araw. Read More
AICS
Sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office ang pagpapa-abot ng tulong mula sa Pamahalaang Lungsod para sa mahigit 200 na beneficiaries na mag-aaral. Ito ay sa pamamagitan ng mga programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS. Ang mga nasabing aktibidad ay ginanap noong February 18, 2022 sa CSWDO Building, Cabanatuan City Hall Compound. Read More
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|