Home > News > Paunang gamot o early treatment para sa mga pasyenteng may Covid-19 tinalakay

Paunang gamot o early treatment para sa mga pasyenteng may Covid-19 tinalakay

May 14, 2021

Mas pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang pagtupad sa mga programa at aktibidad na tugon sa kinakaharap nating pandemya,dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Kaugnay nito, ginanap ang lingguhang pulong ng lokal na Inter-Agency Task Force (IATF) noong May 3, 2021. Ito ay isinagawa sa isang open area sa Unified Command Center sa Cabanatuan City Hall Compound. Tinalakay dito ang lingguhang Accomplishment Reports ng walong City Health Centers sa iba’t ibang bahagi ng Lungsod. Sa pangunguna nina Dr. Homer Lim at Dr. Benigno Agbayani, binigyang-diin sa nasabing pagpupulong ang mga hakbang para sa paunang paggamot o early treatment ng mga pasyenteng may COVID-19.