Tuloy tuloy na pagbabakuna laban sa Covid19 sa mga senior citizens

Simula noong
April 16, 2021, nagbibigay na ng COVID-19 vaccine para sa mga senior citizen sa
Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay nagaganap sa Sky Garden, 2nd floor ng SM City
Cabanatuan at sa Cabanatuan City Vaccination Center sa City Hall Compound.
Prayoridad ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R.
Vergara, na mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19 ang mga senior citizen
dahil sila ang pinaka-high-risk at vulnerable na sektor sa ating lipunan. Ang
donasyon ng Covax na Sinovac vaccines ang ginagamit para sa senior citizens
habang hinihintay na dumating ang mga biniling bakuna ng Pamahalaang Lungsod.
Patuloy naman ang paghikayat sa mga mamamayan sa Lungsod, lalo na sa mga senior
citizens na magpabakuna upang magkaroong ng proteksyon laban sa COVID-19.
EVENTS |
---|
NOVEMBER 02, 2019 All Souls Day |
NOVEMBER 01, 2019 Mayor's Visit to Cemeteries |
SEPTEMBER 09, 2019 Eid'l Adha |
SEPTEMBER 02, 2019 Araw ng Nueva Ecija |
FOLLOW US |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() |
INTER AGENCY LINKS |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |