Home > News > Barangay Pagas, Nagkamit ng Parangal Mula sa Department of Environment and Natural Resources Region III

Barangay Pagas, Nagkamit ng Parangal Mula sa Department of Environment and Natural Resources Region III

July 01, 2021

Nakatanggap ng parangal mula sa Department of Environment and Natural Resources Region III ang Barangay Pagas sa pamumuno ni ABC President Christopher Lee. Ang Brgy. Pagas ay itinanghal na Outstanding Practices in Recycling 2021 Awardee at nagkamit rin ng cash prize. Ang awarding ceremony ay idinaos kasabay ng pagdiriwang ng 2021 Environment Month kung saan dumalo rin ang mga kawani ng Cabanatuan City Environment and Natural Resources Office sa pangunguna ni City ENRO Michelle Rigor.