Home > News > School Supplies alay ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Estudyante!

School Supplies alay ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Estudyante!

January 16, 2022

Bahagi ng programa ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang mabigyan ng school supplies ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Senior High School na opisyal na naka-enroll sa mga pampublikong paaralan dito sa lungsod. Nang nagsimula ang academic year, napagkalooban na ng school supply sets ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 na nasa ilalim ng sampung distrito ng DepEd Cabanatuan. Ngayong linggo naman ay nakatanggap narin ang mga magaaral mula Grade 7 hanggang Senior High School. Ang isang set ng school supplies ay naglalaman ng notebooks, crayons, glue, sharpener, eraser, ballpen, pencil, writing pads, at plastic envelope. Ito ay naging posible sa pakikipagtulungan sa Department of Education Cabanatuan City sa pamumuno ni Schools Division Superintendent, Teresa D. Mababa. Alay sa taga cabanatuan, mula sa buwis ng mamamayan.