Home > News > CSWDO NECESSITY PACKS FOR SENIOR & PWDS

CSWDO NECESSITY PACKS FOR SENIOR & PWDS

July 06, 2022

TINGNAN:

Nitong June 29-July 1, 2022, sinimulan na muli ang pamamahagi ng food packs para sa mga senior citizens at PWDs mula sa Brgy. Cabu, Kalikid Norte, Kalikid Sur, Patalac, Bagong Buhay, Calawagan, Communal, Macatbong, Bangad, Camp Tinio, at Pangatian.

Ito ay bilang pagpapatuloy sa programa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, na maiparamdam lalo ang pagmamahal at respeto sa mga senior citizens at PWDs sa ating lungsod. Ito ay naging posible sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office.

Ang lahat po ng senior citizens at PWDs mula sa 89 barangays sa Lungsod ng Cabanatuan ay mabibigyan ng food packs. Pakihintay lamang po ang schedule sa inyong barangay.