Home > News > SOCIAL PENSION PAYOUT

SOCIAL PENSION PAYOUT

July 06, 2022

TINGNAN: Ang DSWD Regional Office 3, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Cabanatuan City sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth Vergara, ay nagsagawa ng Social Pension payout noong ika-23 ng Hunyo, 2022 sa Barangay Aduas Norte Covered Court at OSCA Covered Court Kapitan Pepe, Cabanatuan City.

Ang programa ay nakapagtala ng 1,146 indigent senior citizens na nakatanggap ng pinansyal na tulong mula sa pamahalaang nasyonal na may kabuuang halaga na Php 1,500.00 para sa buwan ng Abril hanggang Hunyo 2022.

Layunin ng programang ito na maibsan ang hirap ng mga kwalipikadong senior citizens at makatulong sa kanilang pangangailangang medikal.

- Cabanatuan City Social Welfare and Development Office