Home > News > BURIAL PACKS

BURIAL PACKS

August 30, 2022

Ipinaaabot ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang pakikiramay at pakikidalamhati sa mga pamilya at mga naiwang mahal sa buhay ng mga pumanaw nating kababayan.

Kaugnay nito, pinangunahan ng tanggapan ng City Social Welfare and Development Office ang pagpapamahagi ng food packages sa 36 bereaved families mula sa iba't-ibang barangay dito sa lungsod nitong August 8-12, 2022.

Para sa mga katanungan tungkol sa programang ito, maaari pong makipag-ugnayan sa CSWDO sa numerong 0919-081-1345/0919-081-2789.