Home > News > Local Inter Agency Task Force nagpulong para sa paghahanda sa pagtaas ng kaso sa lungsod

Local Inter Agency Task Force nagpulong para sa paghahanda sa pagtaas ng kaso sa lungsod

May 14, 2021

Nitong April 19, 2021, muling nagkaroon ng pagpupulong ang lokal na Inter Agency Task Force ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Kabilang din sa nasabing pulong ang mga kinatawan ng walong City Health Centers sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay mula sa mga barangay ng Mayapyap Sur, San Josef Norte, Bangad, Mabini Homesite, Quezon District, Caalibangbangan, H. Concepcion, Camp Tinio. Tinalakay dito ang lumalaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Dahil dito, patuloy pa rin ang isinasagawang antigen at RT-PCR testing. Gayundin, muling pinaalalahanan ang mga barangay officials na sumunod sa guidelines na inilatag ng Department of Health, lalo na kung mayroong COVID-19 patients sa kanilang barangay. Pinaigting rin ang paghahanda ng Local IATF sa posibleng pag-angat ng kaso sa dalawa o tatlong libo. Nasabi rin sa naturang pagpupulong na nakagayak ang Pamahalaang Lungsod sa pagbili ng mga gamot na ipamimigay para sa mga pasyenteng may mild/moderate cases ng COVID-19.