Home > News > CENTENARIAN

CENTENARIAN

June 12, 2022

Personal na iginawad ng DSWD Field Office 3 katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at ng Cabanatuan City Social Welfare and Development Office, sa anim na Senior Citizen ng ating lungsod ang kanilang Centenarian grant na nagkakahalaga ng Php 100,000.00 bawat isa. Kasama nito ang isang sertipiko ng pagkilala bilang pagpupugay sa pag-abot ng kanilang ika-100 taon.

Ito ay ginanap nitong ika-2 ng Hunyo 2022, sa iba't ibang barangay ng Cabanatuan City.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10868 s. of 2016, o ang Centenarians Act of 2016, ang lahat ng Pilipinong aabot ang edad na 100 ay pagkakalooban ng pamahalaan ng Letter of Felicitation at ng halagang PhP100,000.00. Ito ay bilang pagkilala at pagbibigay respeto sa mga senior citizens na nakaabot ng 100 years o higit pa.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon tungkol sa programang ito, maaaring magtext o tumawag sa CSWDO Hotline 09190811345.