Pagbabakuna sa iba’t ibang barangay laban sa tigdas at polio
February 15, 2021

Nagpatuloy naman ang pagsasagawa ng Measles-Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity sa Lungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ng Department of Health at sa pakikipagtulungan sa City Health Office. Nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod sa pakiki-isa ng mga barangay na pinupuntahan, lalo na sa mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata na nabakunahan. Read More



Road Clearing 2.0 Patuloy na isinasagawa
February 15, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay muling nagsasagawa ng road clearing operations, base sa direktiba ng DILG. Kaugnay nito, nagbigay ang DILG ng extension simula Enero 16 hanggang Pebrero 15, 2021. Para sa mga concerns o katanungan tungkol sa clearing operations, maaaring makipag-ugnayan sa Community Affairs Office sa numerong 0919-081-3983. Read More



Maki-isa para sa Measles-Rubella Polio Supplemental Immunization Activity
February 15, 2021

Patuloy naman ang paghikayat sa mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata na maki-isa sa isasagawang Measles-Rubella Polio Supplemental Immunization Activity ng Department of Health. Ang pagbabakunang ito ay isasagawa sa buong buwan ng Pebrero. Read More



DILG nagbigay ng extension para sa Road Clearing 2.0
February 15, 2021

Sang-ayon sa isang linggong extension na ibinigay ng DILG sa mga local government units, muling nagsagawa ng clearing operations sa iba't ibang kalsada sa lungsod simula noong Enero 18, 2021. Ito ay pinangunahan ng DILG Cabanatuan, PNP Cabanatuan, City Engineer's Office, Office of the City Building Official, Traffic Management Division at iba pang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan. Kamakailan lamang ay nabigyan ng 2 unit ng patrol pick up ang Traffic Management Division mula sa personal na pananalapi ni Congressman Ria Vergara. Dahil dito, nagiging mas madali at epektibo ang pagsasagawa ng operations ng nasabing dibisyon. Read More



DA Region III bumisita sa gagawing Calamansi Processing Center January 20, 2021
February 15, 2021

Department of Agriculture Region III at Lucky Farmers Association, nagsagawa ng site inspection ang City Livelihood and Cooperatives Development Office sa Brgy. Calawagan para sa gagawing Calamansi Processing Center. Read More



LGU Cabanatuan City Flag Raising Ceremony February 08, 2021
February 08, 2021

Ginanap nitong Pebrero 8, 2021 ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan na pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara kasama ang City Assessor's Office. Kasunod nito, ipinagkaloob ni Mayor Myca ang mga kutson sa Bureau of Jail Management and Penology Cabanatuan sa pamumuno ni Jail Superintendent Elvis Danglose, District Jail Warden. Paalala rin  ni Mayor Myca sa mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan na laging ibigay ang maayos na serbisyo at pakikitungo sa mga mamamayan. Read More



CSWDO nagsagawa ng pay out ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)
February 02, 2021

Isang libong benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Educational Assistance ang nakatanggap ng P3,000 bawat isa, sa isinagawang simultaneous pay-out noong February 1-2 sa CDRRMO Gym, Senior Citizens Gym, at CSWD Office. Ang programang ito ay pinondohan ng DSWD Field Office 3, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ni Nueva Ecija 3rd District Representative, Cong. Ria V. Vergara. Read More



Fogging Operations laban sa Dengue
February 01, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsasagawa ng fogging operations upang maiwasan ang paglaganap ng mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue.  Sinimulan ito noong February 1 at nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan. Inunang puntahan ang mga barangay na nasa gitna o sentro ng lungsod, at sa mga susunod na mga linggo ay mapupuntahan rin ang mga malayo sa sentro. Ang mga barangay na pinuntahan sa linggong ito ay Daan Sarile, Magsaysay Sur, Bantug Bulalo, Bantug Norte, Aduas Norte, Bitas, Aduas Centro, Aduas Sur, Pagas at Valdefuente. Read More



Bakuna Laban sa Tigdas at Polio, Sinimulan na!
February 01, 2021

Inumpisahan na ng Department of Health, sa pakikipagtulungan sa City Health Office, ang pagsasagawa ng Measles-Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity sa Lungsod ng Cabanatuan nitong Pebrero 1, 2021. Patuloy na hinihikayat ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak. Ang programang ito ay magpapatuloy sa buong buwan ng Pebrero. Read More



Food Assistance para sa mga taga Cabanatuan
February 01, 2021

Kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Cabanatuan, sinimulan ang muling pamamahagi ng food assistance sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito na ang ika-siyam na serye ng pamimigay ng ayuda ng Pamahalaang Lungsod para sa mga mamamayan, kung saan sampung kilong bigas ang matatanggap ng bawat household.  Read More



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26