47th Regular Weekly Session
December 16, 2021


School Supplies alay ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Estudyante!
December 16, 2021

Bahagi ng programa ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang mabigyan ng school supplies ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Senior High School na opisyal na naka-enroll sa mga pampublikong paaralan dito sa lungsod. Nang nagsimula ang academic year, napagkalooban na ng school supply sets ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 na nasa ilalim ng sampung distrito ng DepEd Cabanatuan. Ang isang set ng school supplies ay naglalaman ng notebooks, crayons, glue, sharpener, eraser, ballpen, pencil, writing pads, at plastic envelope. Susunod naman mapagkakalooban ang mga Grade 7 hanggang Senior High School sa mga susunod na linggo.Ito ay naging posible sa pakikipagtulungan sa Department of Education Cabanatuan City sa pamumuno ni Schools Division Superintendent, Teresa D. Mababa. Alay sa taga cabanatuan, mula sa buwis ng mamamayan. Read More



Booster Shots para sa ating mga Mahal na Senior Citizens
December 16, 2021

Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang pagbibigay ng booster shot ng COVID-19 vaccine na SINOVAC para sa mga senior citizens at iba pang priority groups sa lungsod. Ito ay ibinibigay para sa mga fully vaccinated na mamamayan simula nang mag-umpisa ang pagbabakuna hanggang noong June 2021. Ang pagbibigay ng booster shot ay isinagawa sa SM City Cabanatuan at SM Megacenter simula noong December 7, 2021. Read More



Tuloy-tuloy na Pagbabakuna Laban sa Covid-19, Ginanap sa mga Barangay!
December 16, 2021

Patuloy ang pagbibigay ng COVID-19 Vaccine sa mga mamamayan ng iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan nitong December 6-10, 2021. Ito ay sa pamamagitan ng Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination Program. Layunin ng programang ito na mailapit sa mga mamamayan, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang pagbisita sa mga barangay kung saan nagsasagawa ng pagbabakuna.  Read More



Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.
December 16, 2021

Patuloy ang pamimigay ng Newborn Packages para sa mga magulang na nagparehistro ng kanilang bagong silang na anak sa Office of the Local Civil Registrar. Ito ay sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at ng Pamahaaang Lungsod upang magkaroon ng magandang panimula ang mga bagong magulang na residente ng Lungsod ng Cabanatuan.  Read More



Safety Seal Inspection Isinagawa sa SM City Cabanatuan!
December 16, 2021

Sa pangunguna ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Business Licensing and Promotion Office, City Health Office, City Information Office, Public Employment Services Office, City Engineering Office, City Motorpool Office, at Cabanatuan PNP, nagsagawa ng safety seal inspection sa iba't ibang establisyimento sa Lungsod ng Cabanatuan nitong December 7, 2021. Ang Safety Seal Certification ay ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod sa mga establisyimentong napatunayang sumusunod sa minimum public health standards upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.  Read More



Social Pension Payout para sa mga frail at bedridden, ipinamahagi
December 16, 2021


18 Days Campaign to End Violence Against Women, Idiniriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan
December 16, 2021


Local Social Pension para sa mga PWDs, Ginanap
December 16, 2021

Isinagawa ang pagbibigay ng Local Social Pension para sa 600 Persons with Disability o PWDs sa lungsod ng Cabanatuan. Patuloy ang pagkalinga ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa PWDs kung saan nakatanggap ng PhP 1,000.00 bawat isa. Sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth Vergara katuwang ang City Social and Development Office matagumpay itong naisagawa noong November 29 at December 1, 2021 sa OSCA Covered Court, Kapitan Pepe Cabanatuan City. Nagsagawa din ng door-to-door payout ang mga kawani ng CSWDO sa iba't ibang barangay. Layunin ng programang ito na maibsan ang hirap ng mga PWDs para makatulong sa kanilang pangangailangang medikal.  Read More



Resbakuna sa mga Vaccination Centers, Tuloy-tuloy!
December 16, 2021

Patuloy rin na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ang COVID-19 Vaccination para sa iba't ibang priority groups sa mga vaccination sites sa lungsod. Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod sa pang-unawa ng mga taga-Cabanatuan na matiyagang naghihintay para sa kanilang bakuna. Read More



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27  28  29  30  31  32  33  34  35  36  37  38