Home > News > City Veterinary Office Nagsagawa ng Libreng Anti-Rabies Vaccination!

City Veterinary Office Nagsagawa ng Libreng Anti-Rabies Vaccination!

February 16, 2022

Nitong linggong ito, nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office sa barangay ng Kalikid Sur. Mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop dahil ang rabies ay isang viral infection at animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal. Samantala, nagsagawa rin sila ng continuous deworming at vitamin administration para sa mga alagang kalabaw at kambing sa Brgy Pangatian at Kalikid Norte.