Home > News > NEGO-KART Inilunsad ng PESO Cabanatuan at DOLE Province.

NEGO-KART Inilunsad ng PESO Cabanatuan at DOLE Province.

February 16, 2022

Ang NEGO-KART (Negosyo sa Kariton) ay isang programa ng Department of Labor and Employment na nauukol para sa mga nagtitinda sa kalye. Sa proyektong ito, sila ay binibigyan ng pagkakataon na magtinda at magkaroon ng kumikitang kabuhayan upang maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay. Nitong February 10, 2022, isinagawa ang pagpapamigay ng mga NEGO-KART kasama ang Department of Labor and Employment, Provincial Director Maylene L. Evangelista, Mayor Myca Elizabeth R Vergara, Assistant City Administrator Mr Norman Riño at Supervising Labor and Employment Officer Ronneil Sanopo at buong tanggapan ng Public Employment Service Office na siyang nanguna sa pagagawad ng proyektong nabanggit. Ito ay mayroong 20 benepisyaryo na nagmula sa iba't ibang barangay ng Cabanatuan.