Food Assistance Para sa mga Pasyente ng Covid-19, Walang-Patid.
August 18, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay patuloy sa pamamahagi ng food assistance para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19.Katuwang muli rito ay ang City Social Welfare and Development Office. Ito ay ginanap noong August 5 at 6, 2021.  Read More



Lingguhang Pagpupulong ng Lokal na Inter-Agency Task Force Muling Isinagawa.
August 18, 2021

Idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang Local Inter-Agency Task Force meeting nitong Lunes, August 2, 2021 sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Tinalakay sa nasabing pulong ang mga paghahanda ng Pamahalaang Lungsod sa banta ng COVID-19 delta variant. Gayundin, nagkaroon ng weekly reports ang City Health Office, City Social Welfare and Development Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, MV Gallego Cabanatuan City General Hospital at walong City Health Centers tungkol sa status ng COVID-19 cases sa ating lungsod. Ito ay ginanap sa Sangguniang Panlungsod Session Hall kung saan lahat ng dumalo ay sumailalim muna sa rapid Antigen test.  Read More



Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, Nagsagawa ng TUPAD Orientation
August 06, 2021

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD orientation na dinaluhan ng 158 na displaced workers mula sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay ginanap noong July 27-29, 2021. Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho na may kaukulang sweldo na P420 kada araw. Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Cong. Rosanna "Ria" Vergara at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Read More



Tuloy-tuloy ang Paggagawad ng Safety Seal sa mga Establisyimento
August 06, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsagawa ng inspection para sa Safety Seal Certification nitong July 27 at 28, 2021 sa SM City Cabanatuan, SM Megacenter Cabanatuan, Waltermart Cabanatuan, Jollibee Circumferential, Jollibee Mega Shell Crossing at Jollibee Palengke. Ang Safety Seal Certification ay ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod sa mga establisyimentong napatunayang sumusunod sa minimum public health standards upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.  Read More



Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office III Nagsagawa ng Social Pension Payout
August 06, 2021

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office III, sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsagawa ng Social Pension Payout para sa 1,104 Senior Citizen beneficiaries mula sa iba't-ibang barangay sa lungsod. Ang bawat Senior Citizen beneficiary ay nakatanggap ng P 3,000. Ito ay ginanap nitong July 27-29, 2021 sa covered court ng Office of Senior Citizens Affairs, Brgy. Caalibangbangan, Brgy. Villa Ofelia, Brgy. General Luna, at Brgy. Camp Tinio sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni CSWD Officer Mrs. Helen Bagasao.  Read More



Walang Patid na Pamimigay ng Food Assistance Para sa mga Nag-Positibo sa Covid19
August 06, 2021

    Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay patuloy sa pamamahagi ng food assistance para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19.Katuwang muli rito ay ang City Social Welfare and Development Office. Ito ay ginanap noong July 26, 2021.  Read More



Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan Muling Namahagi ng Necessity Packs para sa mga Senior Citizens.
August 06, 2021

Nitong July 26, 2021, isinagawa ang pamimigay ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ng necessity packs para sa mga senior citizens sa iba't ibang barangay sa Lungsod. Kasama muli sa nasabing pamimigay ay ang City Social Welfare Development Office (CSWDO). Pagpapatuloy ito sa programa ng pamahalaang lungsod na maiparamdam lalo ang pagmamahal at respeto sa mga senior citizens sa ating lungsod.  Read More



National Disaster Resilience Month 2021, Ipinagdiriwang Nitong Buwan ng Hulyo
August 06, 2021

Bilang pag-gunita sa National Disaster Resilience Month o NDRM na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo, ang City Disaster Risk Reduction and Management Office ay nagkaroon ng static display sa SM City Cabanatuan simula nitong July 23 hanggang July 25, 2021. Makikita sa display ang tools and equipment na mayroon ang Lungsod ng Cabanatuan para sa Earthquake, Water Search and Rescue, Crashed Vehicle Extrication and Rescue. Itinampok rin dito ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod kaugnay ng laban sa COVID-19 tulad ng disinfection, testing, vaccination, at food assistance. Mayroon ding help desk dito para sa free assistance upang makapagparehistro sa COVID-19 vaccination program. Ang tema ng NDRM sa taong ito ay Tamang Pamamahala’t Kahandaan, Kaalaman at Pagtutulungan sa Sakuna at Pandemya’y Kalasag ng Bayan. Read More



Mga Kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan Muling Sumailalim sa Antigen Test
August 06, 2021

Upang masigurado ang kaligtasan at maiwasan ang pagkalat ng sakit, patuloy ang pagmomonitor sa kalusugan ng mga empleyado ng Cabanatuan City Hall. Kaugnay nito, muling sumailalim ang mga kawani sa rapid antigen test noong July 19-20, 2021.  Read More



Necessity Packs para sa mga Senior Citizens, Tuloy-tuloy.
August 06, 2021

Nitong July 19-23, 2021, isinagawa ang pamimigay ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ng necessity packs para sa mga senior citizens sa iba't ibang barangay sa Lungsod. Kasama muli sa nasabing pamimigay ay ang City Social Welfare Development Office (CSWDO). Pagpapatuloy ito sa programa ng pamahalaang lungsod na maiparamdam lalo ang pagmamahal at respeto sa mga senior citizens sa ating lungsod.  Read More



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19