Home > News > Free Antigen Test para sa mga Mamayan ng Cabanatuan na may sintomas!

Free Antigen Test para sa mga Mamayan ng Cabanatuan na may sintomas!

February 18, 2022

Bilang tugon sa dumaraming kaso ng COVID-19, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsasagawa ng libreng antigen test sa mga taga-Cabanatuan na mayroong sintomas ng COVID-19. Ang antigen testing ay isinasagawa ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na mayroong antigen area o booth sa CDRRMO Bldg., City Hall Compound. Samantala, sa pamamagitan naman City Health Office ay pinupuntahan sa kani-kanilang tahanan ang mga pasyenteng may sintomas. Narito po ang mga contact numbers ng City Health Centers na maaaring tawagan o itext kung ikaw ay mayroong sintomas ng COVID-19: City Health Center 1 (Mayapyap Sur) 0919-081-3119 City Health Center 2 (San Josef Norte) 0999-222-6034 City Health Center 3 (Bangad) 0919-081-2883 City Health Center 4 (Mabini Homesite) 0919-081-1344 City Health Center 5 (Quezon District) 0919-081-1535 City Health Center 6 (Caalibangbangan) 0919-081-1485 City Health Center 7 (H. Concepcion) 0919-081-2983 City Health Center 8 (Camp Tinio) 0919-081-2895 Narito naman po ang mga contact number ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (antigen queries): 0999-229-3454