Pangatlong Linggo ng Food Assistance sa Lungsod ng Cabanatuan

Noong Pebrero 15-19, 2021, muli namang nakatanggap ng Food Assistance na 10-kilong bigas ang mga barangay ng: SAN JUAN ACCFA, SAN ROQUE SUR, M.S. GARCIA, IMELDA, DICARMA, DIMASALANG, DS GARCIA, H. CONCEPCION, MELOJAVILLA, QUEZON DIST, SAN ROQUE NORTE, BARRERA, BONIFACIO, NABAO, SAN JOSEF NORTE, SAN JOSEF SUR, RIZDELIS, KAPITAN PEPE, SUMACAB ESTE, SUMACAB SUR, SUMABAB NORTE, at CARIDAD Read More
Mayor Myca Vergara Pinulong ang mga Doktor ng City Hospital

Pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang pagpupulong ng mga Medical Consultants at Medical Officers ng M.V. Gallego Cabanatuan City General Hospital upang pag-usapan kung paano mas mapapabuti ang mga serbisyong handog ng City Hospital. Ginanap ito noong Pebrero 16, 2021 sa Sangguniang Panlungsod Session Hall. Read More
LGU Cabanatuan Flag Raising Ceremony

Idinaos noong Pebrero 15, 2021 ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara kasama ang City Treasurer's Office. Read More
LGU Cabanatuan Flag Raising Ceremony - February 22, 2021

- Noong Pebrero 22, 2021, idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang lingguhang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, kasama ang City Health Office. Muli niyang paalala sa mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod na manatiling mapagkumbaba at lalo pang pagbutihin ang pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan. Read More
Agricultural Farm Machineries ipinamahagi mula sa Rice Competitiveness Enhancement

Sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng Department of Agriculture, at sa pakikipagtulungan sa Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) at Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara, nabigyan ng tulong ang mga magsasaka sa Lungsod ng Cabanatuan at iba pang munisipalidad at lungsod sa ikatlong distrito ng Nueva Ecija. Tatlumpu't apat na unit ng agricultural farm machineries ang handog para sa farmer associations. Ang mga ito ay ibinigay noong Pebrero 10, 2021 sa pamamagitan ng isang Ceremonial Turnover na dinaluhan ni Cong. Ria Vergara. Ayon sa kanya, patuloy ang pagpapalawig ng DA sa mga magsasaka ng palay sa tulong ng RCEF. Ipinakiusap rin niya sa mga magsasaka na pangalagaan ang mga makinaryang ito nang sa gayon ay mas marami pa ang makinabang rito. Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Philmech Division Chief Engr. Don David Julian, Cabanatuan City Livelihood and Cooperative Development Officer Lucille Batalla, CG-Consultant Gregoria Esguerra, iba pang kawani ng CLCDO at mga City and Municipal Agriculturist ng Ikatlong Distrito ng N.E. Read More
Ikalawang Linggo ng Food Assistance mula sa LGU Cabanatuan

Nagpatuloy rin ang pamimigay ng food assistance na 10-kilong bigas sa bawat household sa ating lungsod. Ang mga barangay na nabigyan para sa linggong ito ay Aduas Sur, Aduas Norte, Aduas Centro, Pagas, Isla, Daan Sarile, San Isidro, Bitas, Matadero, Mayapyap Sur, Mayapyap Norte, Valdefuente, Buliran, Cruz Roja, Caalibangbangan, Dalampang, Barlis, Balite, Pula, Sapang, Pamaldan, Cinco-cinco, Ibabao-bana, Samon, Caudillo, Polilio, Palagay, Sto. Niño at Talipapa. Read More
Mayor Myca Vergara naki-isa sa signature campaign ng Relief International

Naki-isa naman si Mayor Myca Elizabeth R. Vergara sa signature campaign na pinangunahan ng Relief International bilang pagsuporta sa Measles-Rubella / Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity 2021 sa kabuuan ng buwan ng Pebrero. Samantala, opisyal nang napirmahan ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at Relief International para makatanggap ng insentibo ang Community Volunteer Health Workers sa kanilang partisipasyon sa pagbabakuna kontra polio at tigdas sa mga bata sa Lungsod ng Cabanatuan. Read More
Pagbabakuna sa iba’t ibang barangay laban sa tigdas at polio

Nagpatuloy naman ang pagsasagawa ng Measles-Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity sa Lungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ng Department of Health at sa pakikipagtulungan sa City Health Office. Nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod sa pakiki-isa ng mga barangay na pinupuntahan, lalo na sa mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata na nabakunahan. Read More
Road Clearing 2.0 Patuloy na isinasagawa

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay muling nagsasagawa ng road clearing operations, base sa direktiba ng DILG. Kaugnay nito, nagbigay ang DILG ng extension simula Enero 16 hanggang Pebrero 15, 2021. Para sa mga concerns o katanungan tungkol sa clearing operations, maaaring makipag-ugnayan sa Community Affairs Office sa numerong 0919-081-3983. Read More
Maki-isa para sa Measles-Rubella Polio Supplemental Immunization Activity

Patuloy naman ang paghikayat sa mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata na maki-isa sa isasagawang Measles-Rubella Polio Supplemental Immunization Activity ng Department of Health. Ang pagbabakunang ito ay isasagawa sa buong buwan ng Pebrero. Read More
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34
EVENTS |
---|
NOVEMBER 02, 2019 All Souls Day |
NOVEMBER 01, 2019 Mayor's Visit to Cemeteries |
SEPTEMBER 09, 2019 Eid'l Adha |
SEPTEMBER 02, 2019 Araw ng Nueva Ecija |
FOLLOW US |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() |
INTER AGENCY LINKS |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |