Resbakuna, Tuloy-tuloy sa mga Vaccination Centers at House to House sa mga Barangay!
March 16, 2022

Patuloy ang pagbibigay ng 1st dose, 2nd dose, at booster shots ng COVID-19 Vaccine para sa mga mamamayan ng iba't ibang vaccination sites sa Lungsod ng Cabanatuan nitong March 7-11, 2022. Sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, nagsasagawa rin ng house-to-house na pagbabakuna upang hindi na kailangan pang umalis sa kanilang mga tahanan ng mga mamamayan na nais magpabakuna. Patuloy rin ng mobile vaccination sa iba't ibang business establishments sa Lungsod ng Cabanatuan. Narito po ang mga numero ng VOC HELPDESK: 0998-500-2710, 0998-500-2750, 0998-500-2725. Para naman sa business establishments, maaaring makipag-ugnayan sa CBLIPO sa numerong 0919-089-9869 o 0955-563-0202.  Read More



Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.
March 16, 2022

Patuloy ang pamimigay ng Newborn Packages para sa mga magulang na nagparehistro ng kanilang bagong silang na anak sa Office of the Local Civil Registrar. Ito ay sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at ng Pamahaaang Lungsod upang magkaroon ng magandang panimula ang mga bagong magulang na residente ng Lungsod ng Cabanatuan.  Read More



MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City", Sinimulan na!
March 16, 2022

Bilang bahagi ng MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City" at “Balik Kalinga sa Kalikasan at Kalinisan Program, sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, ang Barangay Caravan ng Clean! Clean! Clean! Project. Simula noong March 7, 2022, umikot sa iba't ibang barangay ang Cabanatuan City Environment and Natural Resources Office (CCENRO) para ipabatid ang hudyat ng pagsisimulang muli ng nasabing proyekto. Layunin ng programang ito na mapanatiling malinis ang ating mga barangay at hikayatin ang bawat isa na makilahok. Read More



Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan nagdiriwang ng National Women's Month!
March 16, 2022

Opisyal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa pangununa ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang National Women's Month Celebration na may temang "We Make Change Work for Women, Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran". Ito ay idinaos sa flag raising ceremony sa Cabanatuan City Hall noong March 7, 2022. Kasabay nito, nagkaroon rin ng maikling programa ang CSWDO-Local Council of Women. Nagbigay ng pambungad na mensahe si CSWDO Head Ms. Helen Bagasao at sinundan rin ng inspirational messages mula kina Councilor Ruben Ilagan V at Mayor Myca Vergara. Nagsuot rin sila ng kulay lila na damit bilang pagpapahiwatig ng suporta sa women empowerment and gender equality.  Read More



LGU Cabanatuan tumanggap ng Panata Ko Sa Bayan Award!
March 16, 2022

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ay tumanggap ng Panata ko sa Bayan Award "for Achieving the Highest Rating (Level 3) during the LSWDO Service-Delivery Assessment". Ang pagtanggap ng nasabing gantimpala ay pinangunahan ni CSWDO Head na si Mrs. Helen S. Bagasao. Ito ay ginanap nitong March 7, 2022 sa Otel Pampanga, bilang bahagi ng ika-71 taong anibersaryo ng DSWD Regional Office III.  Read More



Bakuna para sa mga edad 5-11 na gulang, Tuloy-tuloy!
March 16, 2022

Patuloy rin ang VOC Cabanatuan sa pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa mga batang 5-11 years old. Ito ay sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Upang malibang ang mga bata habang naghihintay na mabakunahan, mayroong film showing, makukulay na dekorasyon at loot bags na ibinibigay para sa kanila. Maaari pa ring iparehistro ang mga batang edad 5-11 upang mabakunahan laban sa COVID-19. Gamitin lamang ang link na ito: https://tinyurl.com/myCabVaccineMinor Read More



Mobile Vaccination sa mga iba’t ibang Vaccination Sites at mga Establishments, Isinagawa!
March 16, 2022

Mobile Vaccination sa mga iba’t ibang Vaccination Sites at mga Establishments, Isinagawa! Read More



Food Assistance Ibinahagi sa iba’t ibang Barangay!
March 16, 2022

Sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagpapamahagi ng food assistance sa iba't ibang barangay sa Lungsod. Katuwang rito ay ang City Social Welfare and Development Office. Ito ay ginanap noong February 28-March 4, 2022.  Read More



Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.
March 16, 2022

Patuloy ang pamimigay ng Newborn Packages para sa mga magulang na nagparehistro ng kanilang bagong silang na anak sa Office of the Local Civil Registrar. Ito ay sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at ng Pamahaaang Lungsod upang magkaroon ng magandang panimula ang mga bagong magulang na residente ng Lungsod ng Cabanatuan.  Read More



DOLE TUPAD Orientation, Muling Umarangkada!
March 16, 2022

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD ORIENTATION nitong March 1, 2022 para sa Batch 9 ng taong 2021 na dinaluhan ng 108 na benepisyaryo na mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara, Senator Joel Villanueva, Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at tanggapan ng Department of Labor and Employment. Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho na may kaukulang sweldo na P420 kada araw.  Read More



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26