Home > News > School Supplies alay ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Estudyante!

School Supplies alay ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Estudyante!

November 15, 2021

Bahagi ng programa ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang mabigyan ng school supplies ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 na opisyal na naka-enroll sa mga pampublikong paaralan dito sa lungsod.

Kaya naman nitong October 25, 2021, nabigyan narin ng humigi't kumulang 19,000 sets ang mga eskwelahan na nasa ilalim ng District III hanggang District VII. Nitong Setyembre lamang ay nauna nang nabigyan ang District I at II.

May kabuuang 60,000 sets ng school supplies ang ipagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod sa mga eskwelahan na nasa ilalim ng sampung distrito ng DepEd Cabanatuan. Ang isang set ng school supplies ay naglalaman ng notebooks, crayons, glue, sharpener, eraser, ballpen, pencil, writing pads, at plastic envelope.

Ito ay naging posible sa pakikipagtulungan sa Department of Education Cabanatuan City sa pamumuno ni Schools Division Superintendent, Teresa D. Mababa.