City Veterinary Office nagsagawa ng Libreng Anti-Rabies, Deworming at iba pa
February 26, 2021

Ang City Veterinary Office ay nagbibigay ng libreng Anti-Rabies, Deworming at iba pang treatment para sa mga alagang aso ,pusa, rabbit at iba pa. Ang kanilang mga empleyado ay nagpunta noong Pebrero 16-19 sa mga barangay ng: SUMACAB NORTE LOURDES BANGAD Read More



Fogging Operations Kontra Dengue
February 26, 2021

Sa pangunguna ng City Health Office, muling nagsagawa ng Fogging Operations noong Pebrero 15-19, 2021 sa mga barangay ng: IMELDA, DS GARCIA, SAN ROQUE SUR, SAN JUAN ACCFA, H. CONCEPCION, SUMACAB ESTE, MABINI HOMESITE, STA. ARCADIA, KAPITAN PEPE, at SAN JOSEF NORTE  Read More



Pangatlong Linggo ng Food Assistance sa Lungsod ng Cabanatuan
February 26, 2021

Noong Pebrero 15-19, 2021, muli namang nakatanggap ng Food Assistance na 10-kilong bigas ang mga barangay ng: SAN JUAN ACCFA, SAN ROQUE SUR, M.S. GARCIA, IMELDA, DICARMA, DIMASALANG, DS GARCIA, H. CONCEPCION, MELOJAVILLA, QUEZON DIST, SAN ROQUE NORTE, BARRERA, BONIFACIO, NABAO, SAN JOSEF NORTE, SAN JOSEF SUR, RIZDELIS, KAPITAN PEPE, SUMACAB ESTE, SUMACAB SUR, SUMABAB NORTE, at CARIDAD  Read More



Mayor Myca Vergara Pinulong ang mga Doktor ng City Hospital
February 26, 2021

Pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang pagpupulong ng mga Medical Consultants at Medical Officers ng M.V. Gallego Cabanatuan City General Hospital upang pag-usapan kung paano mas mapapabuti ang mga serbisyong handog ng City Hospital. Ginanap ito noong Pebrero 16, 2021 sa Sangguniang Panlungsod Session Hall.  Read More



LGU Cabanatuan Flag Raising Ceremony
February 26, 2021

Idinaos noong Pebrero 15, 2021 ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara kasama ang City Treasurer's Office.  Read More



LGU Cabanatuan Flag Raising Ceremony - February 22, 2021
February 22, 2021

-   Noong Pebrero 22, 2021, idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang lingguhang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, kasama ang City Health Office. Muli niyang paalala sa mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod na manatiling mapagkumbaba at lalo pang pagbutihin ang pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan.  Read More



Agricultural Farm Machineries ipinamahagi mula sa Rice Competitiveness Enhancement
February 15, 2021

Sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng Department of Agriculture, at sa pakikipagtulungan sa Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) at Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara, nabigyan ng tulong ang mga magsasaka sa Lungsod ng Cabanatuan at iba pang munisipalidad at lungsod sa ikatlong distrito ng Nueva Ecija. Tatlumpu't apat na unit ng agricultural farm machineries ang handog para sa farmer associations. Ang mga ito ay ibinigay noong Pebrero 10, 2021 sa pamamagitan ng isang Ceremonial Turnover na dinaluhan ni Cong. Ria Vergara. Ayon sa kanya, patuloy ang pagpapalawig ng DA sa mga magsasaka ng palay sa tulong ng RCEF. Ipinakiusap rin niya sa mga magsasaka na pangalagaan ang mga makinaryang ito nang sa gayon ay mas marami pa ang makinabang rito. Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Philmech Division Chief Engr. Don David Julian, Cabanatuan City Livelihood and Cooperative Development Officer Lucille Batalla, CG-Consultant Gregoria Esguerra, iba pang kawani ng CLCDO at mga City and Municipal Agriculturist ng Ikatlong Distrito ng N.E. Read More



Ikalawang Linggo ng Food Assistance mula sa LGU Cabanatuan
February 15, 2021

Nagpatuloy rin ang pamimigay ng food assistance na 10-kilong bigas sa bawat household sa ating lungsod. Ang mga barangay na nabigyan para sa linggong ito ay Aduas Sur, Aduas Norte, Aduas Centro, Pagas, Isla, Daan Sarile, San Isidro, Bitas, Matadero, Mayapyap Sur, Mayapyap Norte, Valdefuente, Buliran, Cruz Roja, Caalibangbangan, Dalampang, Barlis, Balite, Pula, Sapang, Pamaldan, Cinco-cinco, Ibabao-bana, Samon, Caudillo, Polilio, Palagay, Sto. Niño at Talipapa. Read More



Mayor Myca Vergara naki-isa sa signature campaign ng Relief International
February 15, 2021

Naki-isa naman si Mayor Myca Elizabeth R. Vergara sa signature campaign na pinangunahan ng Relief International bilang pagsuporta sa Measles-Rubella / Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity 2021 sa kabuuan ng buwan ng Pebrero. Samantala, opisyal nang napirmahan ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at Relief International para makatanggap ng insentibo ang Community Volunteer Health Workers sa kanilang partisipasyon sa pagbabakuna kontra polio at tigdas sa mga bata sa Lungsod ng Cabanatuan. Read More



Pagbabakuna sa iba’t ibang barangay laban sa tigdas at polio
February 15, 2021

Nagpatuloy naman ang pagsasagawa ng Measles-Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity sa Lungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ng Department of Health at sa pakikipagtulungan sa City Health Office. Nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod sa pakiki-isa ng mga barangay na pinupuntahan, lalo na sa mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata na nabakunahan. Read More



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27  28  29  30  31  32  33  34  35  36  37  38