Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.
January 25, 2022

Patuloy ang pamimigay ng Newborn Packages para sa mga magulang na nagparehistro ng kanilang bagong silang na anak sa Office of the Local Civil Registrar. Ito ay sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at ng Pamahaaang Lungsod upang magkaroon ng magandang panimula ang mga bagong magulang na residente ng Lungsod ng Cabanatuan.  Read More



Blessing at Inauguration ng Bagong Male and Female Dormitories sa BJMP, Ginanap!
January 25, 2022


HANDOG PARA SA DISTRITO nina Congresswoman Ria at Cabanatuan City Presiding Officer Jay Vergara, Dumating na!
January 25, 2022

Dumating na ang programang HANDOG PARA SA DISTRITO nina Congresswoman Ria at Cabanatuan City Presiding Officer Jay Vergara sa Cabanatuan City para sa pinakahihintay na pamamahagi ng mga munting handog para sa kanilang mga ka-distrito. Iba't ibang barangay sa lungsod ang mga nakatanggap ng timba ngayong unang linggo ng Enero, 2022 na naglalaman ng mga sangkap para sa pangsalu-salo ng bawat pamilya tulad ng hotdog, spaghetti sauce, pasta at maging bigas na MULA SA PERSONAL NA PONDO ng PAMILYA VERGARA. Kasama sina Board Members EJ Ballesteros Joson at Jojo Matias ay binisita nina Cong. Ria ang bawat ka-distrito at inalam ang kanilang kalagayan at mga pangangailangan. Layunin ng programang #HandogParaSaDistrito nina Ria at Jay Vergara na makapaghatid ng KALINGA NA LAHAT KASAMA AT WALANG PINIPILI sa buong Ikatlong Distrito ng Nueva Ecija.  Read More



Urban Poor Solidarity Week Ipinagdiwang!
January 16, 2022

Ayon sa Presidential Proclamation No. 367 s. 1989, ipinagdiriwang tuwing disyembre ng kada taon ang Urban Poor Solidarity Week upang maunawaang mabuti ang mga isyu ukol sa urban poverty. Read More



49th Regular Session
January 16, 2022


Booster Shots, Dire-diretso na!
January 16, 2022


Tuloy-tuloy na Pagbabakuna Laban sa Covid-19, Ginanap sa mga Barangay!
January 16, 2022

Patuloy ang pagbibigay ng COVID-19 Vaccine para sa mga mamamayan ng iba't ibang vaccination sites sa Lungsod ng Cabanatuan nitong December 13-18, 2021. Ito ay sa pamamagitan ng Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination Program. Layunin ng programang ito na mailapit sa mga mamamayan, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang pagbisita sa mga vaccination sites kung saan nagsasagawa ng pagbabakuna.  Read More



Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.
January 16, 2022


School Supplies alay ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Estudyante!
January 16, 2022

Bahagi ng programa ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang mabigyan ng school supplies ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Senior High School na opisyal na naka-enroll sa mga pampublikong paaralan dito sa lungsod. Nang nagsimula ang academic year, napagkalooban na ng school supply sets ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 na nasa ilalim ng sampung distrito ng DepEd Cabanatuan. Ngayong linggo naman ay nakatanggap narin ang mga magaaral mula Grade 7 hanggang Senior High School. Ang isang set ng school supplies ay naglalaman ng notebooks, crayons, glue, sharpener, eraser, ballpen, pencil, writing pads, at plastic envelope. Ito ay naging posible sa pakikipagtulungan sa Department of Education Cabanatuan City sa pamumuno ni Schools Division Superintendent, Teresa D. Mababa. Alay sa taga cabanatuan, mula sa buwis ng mamamayan.  Read More



DOLE TUPAD Orientation, Muling Umarangkada!
January 16, 2022

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD ORIENTATION para sa Batch 6 na dinaluhan ng 206 na benepisyaryo mula sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan na dinaos noong December 13, 2021. Ang nasabing programa ay naging posible sa pakikipag-ugnayan nina Senator Joel Villanueva at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara sa tanggapan ng Department of Labor and Employment. Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho na may kaukulang sweldo na P420 kada araw.  Read More



1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27  28  29  30  31  32  33  34  35  36  37  38