MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City", Muling Isinagawa!
Bilang bahagi ng MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City" at “Balik Kalinga sa Kalikasan at Kalinisan Program, patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pagsasagawa ng Barangay Caravan ng Clean! Clean! Clean! Project. Nitong linggong ito, umikot sa iba't ibang barangay ang Cabanatuan City Environment and Natural Resources Office (CCENRO) para ipabatid ang hudyat ng pagsisimulang muli ng nasabing proyekto. Layunin ng programang ito na mapanatiling malinis ang ating mga barangay at hikayatin ang bawat isa na makilahok. Read More
LGU Cabanatuan Nag-gawad ng Parangal ng Natatanging Kababaihan sa Iba’t Ibang Larangan!
Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan at sa pamamagitan ng Local Council of Women at City Social Welfare and Development Office, ginawaran ng parangal ang labindalawang (12) natatanging kababaihan mula sa iba't ibang larangan. Kaalinsabay ito sa pagdiriwang ng National Women's Month na may temang "We Make Change Work for Women: Agenda ng Kababaihan Tungo sa Kaunlaran." Ito ay ginanap noong ika-23 ng Marso 2022 sa Sangguniang Panlungsod Session Hall, Cabanatuan City. Kabilang sa mga pinarangalan sina: Ms. Rosalinda R. Asuncion - Barangay (Social and Community Services) Ms. Luzviminda M. Sauco - Business Sector (Micro Entrepreneurship) Ms. Maria Priscilla R. Salazar - Business Sector (Corporation) Ms. Melania T. Magpale - People's Organization/Civil Society Organization Ms. Violeta M. Fontanilla - Agriculture Ms. Mary Ann S. Veneracion - Arts Ms. Aurelia C. Senayo - Government Sector (Government Services) Ms. Emily Lee L. Garcia - Academe (Private) Dr. Priscilla D. Sanchez - Academe (Public) Dr. Arminda A. Adecer - Medical Judge January Mari P. Garcia - Legal/Judicial Ms. Fortune Diane A. Bernardo - Military (Protective and Security Services) Napili ang mga nabanggit na Outstanding Women batay sa mga isinumiteng nominasyon sa lokal na pamahalaan at nagkaroon ng deliberasyon ang mga bumubuo ng screening committee. Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkilala ang mga natatanging kababaihan na nagbigay ng kanilang serbisyo at kontribusyon sa komunidad; kahusayan sa kanilang piniling larangan; kakayahan sa pamumuno; at kagandahang loob para sa ating lungsod. Ang programa ay dinaluhan ng mga natatanging kababaihan at kanilang mga kapamilya, bumubuo ng Local Council of Women, at mga kawani ng Lungsod ng Cabanatuan. Read More
Bakuna para sa mga edad 5-11 na gulang, Tuloy-tuloy!
Patuloy rin ang VOC Cabanatuan sa pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa mga batang 5-11 years old. Upang malibang ang mga bata habang naghihintay na mabakunahan, mayroong film showing, makukulay na dekorasyon at loot bags na ibinibigay para sa kanila. Maaari pa ring iparehistro ang mga batang edad 5-11 upang mabakunahan laban sa COVID-19. Gamitin lamang ang link na ito: https://tinyurl.com/myCabVaccineMinor Read More
Mobile Vaccination sa mga iba’t ibang Vaccination Sites at mga Establishments, Isinagawa!
MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City", Tuloy-tuloy!
Bilang bahagi ng MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City" at “Balik Kalinga sa Kalikasan at Kalinisan Program, patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa pagsasagawa ng Barangay Caravan ng Clean! Clean! Clean! Project. Nitong linggong ito, umikot sa iba't ibang barangay ang Cabanatuan City Environment and Natural Resources Office (CCENRO) para ipabatid ang hudyat ng pagsisimulang muli ng nasabing proyekto. Layunin ng programang ito na mapanatiling malinis ang ating mga barangay at hikayatin ang bawat isa na makilahok. Read More
350 Volunteer Health Workers Pinarangalan ng LGU Cabanatuan
Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod, ang 350 Community Volunteer Health Workers nitong March 17, 2022. Ito ay bilang pasasalamat at pagsaludo sa kanilang walang sawang pagbibigay serbisyo sa ating komunidad simula pa noon hanggang ngayon, kahit na tayo ay patuloy na humaharap sa pandemya. Read More
BPARCC Ginawaran ng Certificate of Accreditation ng DSWD FO 3
LGU Cabanatuan Nagsagawa ng Simultaneous Earthquake Drill!
Bakuna para sa mga edad 5-11 na gulang, Tuloy-tuloy!
Patuloy rin ang VOC Cabanatuan sa pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa mga batang 5-11 years old. Ito ay sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Upang malibang ang mga bata habang naghihintay na mabakunahan, mayroong film showing, makukulay na dekorasyon at loot bags na ibinibigay para sa kanila. Maaari pa ring iparehistro ang mga batang edad 5-11 upang mabakunahan laban sa COVID-19. Gamitin lamang ang link na ito: https://tinyurl.com/myCabVaccineMinor Read More
Resbakuna, Tuloy-tuloy sa mga Vaccination Centers at House to House sa mga Barangay!
Patuloy ang pagbibigay ng 1st dose, 2nd dose, at booster shots ng COVID-19 Vaccine para sa mga mamamayan ng iba't ibang vaccination sites sa Lungsod ng Cabanatuan nitong March 7-11, 2022. Sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, nagsasagawa rin ng house-to-house na pagbabakuna upang hindi na kailangan pang umalis sa kanilang mga tahanan ng mga mamamayan na nais magpabakuna. Patuloy rin ng mobile vaccination sa iba't ibang business establishments sa Lungsod ng Cabanatuan. Narito po ang mga numero ng VOC HELPDESK: 0998-500-2710, 0998-500-2750, 0998-500-2725. Para naman sa business establishments, maaaring makipag-ugnayan sa CBLIPO sa numerong 0919-089-9869 o 0955-563-0202. Read More
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|