Home > News > Pagbabantay sa Trapiko sa Cabanatuan City, Gamit mga CCTV Camera

Pagbabantay sa Trapiko sa Cabanatuan City, Gamit mga CCTV Camera

September 16, 2021

Patuloy ang pagbabantay ng trapiko sa iba’t ibang bahagi ng Lungsod ng Cabanatuan sa pamamagitan ng mga closed-circuit television o CCTV cameras. Ito ay sa pamamagitan ng Traffic Management Division (TMD) ng City Mayor’s Office. Sinisigurado rin ng TMD na ang mga lumalabag sa batas trapiko at regulasyon ay nabibigyan ng karampatang babala at parusa kung kinakailangan. Ang CCTV monitor ay matatagpuan sa Unified Command Center, Cabanatuan City Hall Compound.