Home > News > LGU Cabanatuan tumanggap ng Panata Ko Sa Bayan Award!

LGU Cabanatuan tumanggap ng Panata Ko Sa Bayan Award!

March 16, 2022

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ay tumanggap ng Panata ko sa Bayan Award "for Achieving the Highest Rating (Level 3) during the LSWDO Service-Delivery Assessment". Ang pagtanggap ng nasabing gantimpala ay pinangunahan ni CSWDO Head na si Mrs. Helen S. Bagasao. Ito ay ginanap nitong March 7, 2022 sa Otel Pampanga, bilang bahagi ng ika-71 taong anibersaryo ng DSWD Regional Office III.