Home > News > Rice Seed Agri

Rice Seed Agri

June 24, 2022

TINGNAN:

Patuloy ang City Agriculture Office sa pagpapamahagi ng libreng high quality hybrid and certified rice seeds sa mga magsasaka sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay naging posible sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture Regional Field Office III sa ilalim ng National Rice Program.

Ang paggamit ng high quality seeds ay nakakatulong sa pagtaas ng rice production. Ito ay bilang paghahanda na rin sa wet cropping season ngayong taon. Ang mga magsasaka na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang mga benepisyaryo ng programang ito.

Para sa iba pang mga katanungan ukol sa programang ito, maaaring makipagugnayan sa tanggapan ng City Agriculture Office 0919 089 9925.