Home > News > Disinfection sa Lungsod Laban sa Covid-19, Dire-diretso.

Disinfection sa Lungsod Laban sa Covid-19, Dire-diretso.

June 18, 2021

Isa sa mga mahahalagang proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay ang patuloy na disinfection sa iba't-ibang barangay sa ating lungsod Ito ay upang masigurado ang kaligtasan ng komunidad laban sa sakit, lalo na ang COVID-19. Sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), sumadya ang mga kawani ng nasabing opisina nitong linggong ito sa iba't-ibang barangay sa ating lungsod upang magsagawa ng nasabing disinfection.