Home > News > MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City", Sinimulan na!

MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City", Sinimulan na!

March 16, 2022

Bilang bahagi ng MyCabanatuan Advocacy: "A Cleaner and Greener City" at “Balik Kalinga sa Kalikasan at Kalinisan Program, sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, ang Barangay Caravan ng Clean! Clean! Clean! Project. Simula noong March 7, 2022, umikot sa iba't ibang barangay ang Cabanatuan City Environment and Natural Resources Office (CCENRO) para ipabatid ang hudyat ng pagsisimulang muli ng nasabing proyekto. Layunin ng programang ito na mapanatiling malinis ang ating mga barangay at hikayatin ang bawat isa na makilahok.