Home > News > DOLE TUPAD Payout, Pinangunahan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija

DOLE TUPAD Payout, Pinangunahan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija

December 16, 2021

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD PAYOUT noong November 26, 2021 para sa Batch 5 Group 4 na dinaluhan ng 112 na benepisyaryo at Batch 6 Group 2 na mga parents of child labor na mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho na may kaukulang sweldo na P420 kada araw.