Home > News > Anti-Rabies Vaccination Tuloy-Tuloy

Anti-Rabies Vaccination Tuloy-Tuloy

March 31, 2021

Nitong March 8-12, 2021, nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office sa mga barangay ng Rizdelis, Fatima, Mellojavilla, Gen. Luna, Bantug Bulalo at Matadero. Mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop dahil ang rabies ay isang viral infection at animal disease na maaaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal.