Home > News > 44th NDPR Week

44th NDPR Week

August 15, 2022

Bilang bahagi ng 44th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week, ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Cabanatuan, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth Vergara katuwang ang City Social Welfare and Development Office ay nagsagawa ng awarding of wheelchairs at crutches sa 8 Persons with Disability sa Lungsod. Ito ay ginanap noong ika-18 ng Hulyo 2022 sa CSWDO Ground Floor, City Hall Compound, Cabanatuan City.

Layunin ng programang ito na matulungan ang mga may kapansanan para manumbalik ang kanilang normal na pagkilos o gawain sa pamamagitan ng nasabing assistive devices.

Sa Hulyo 21 naman gaganapin ang PWD Advocacy Forum sa MV Gallego Foundation Colleges Gymnasium, Zulueta, Cabanatuan City.

Para sa iba pang detalye at concerns, maaari magpadala ng mensahe sa cabanatuancswdo@yahoo.com o tumawag sa aming hotline 0919-081-1345.

Source: Cabanatuan City Social Welfare and Development Office