Home > News > DOLE TUPAD ORIENTATION

DOLE TUPAD ORIENTATION

August 15, 2022

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD ORIENTATION ngayong araw July 19, 2022, para sa pangatlong (3) batch na dinaluhan ng 193 na benepisyaryo na mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan.

Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Senator Francis "Kiko" Pangilinan, Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara, at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at tanggapan ng Department of Labor and Employment. Dinaluhan din ito ni Sir Mikko Vergara ang Secretary to the Mayor ng Lungsod at Dr Giovanni Garcia ng City Health Office para sa mga benepisyaryong hindi pa nakakapagpa booster shot laban sa COVID-19.

Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at mga nawalan ng trabaho or hanap-buhay na may kaukulang sweldo na P450 kada araw.

Source: Public Employment Service Office - Cabanatuan City