Home > News > Mobile Covid-19 Vaccination, Tuloy-tuloy!

Mobile Covid-19 Vaccination, Tuloy-tuloy!

June 18, 2021

Sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ang Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination, upang mas mapabilis ang pagbibigay ng bakuna sa mga mamamayan. Layunin nito na mailapit sa mga tao, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Prayoridad dito ang senior citizens na nahihirapan sa malayong byahe. Ang mga barangay na binisita nitong Hunyo 7-11, 2021 ay ang Camp Tinio, Bagong Buhay, Calawagan, Communal, Cabu, Pangatian, Bagong Sikat, Bakero, Bangad, at Lourdes.