Home > News > Mga taga-Cabanatuan na may Sintomas o Close Contact, Sumailalim sa Libreng Antigen Test!

Mga taga-Cabanatuan na may Sintomas o Close Contact, Sumailalim sa Libreng Antigen Test!

October 04, 2021

Bilang tugon sa dumaraming kaso ng COVID-19, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsasagawa ng libreng antigen test sa mga taga-Cabanatuan na mayroong sintomas at close contact ng mga nagpositibo sa COVID-19. Ang antigen testing ay isinasagawa ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na mayroong antigen area o booth sa CDRRMO Bldg., City Hall Compound. Samantala, sa pamamagitan naman City Health Office ay pinupuntahan sa kani-kanilang tahanan ang mga pasyenteng may sintomas o close contacts.