Home > News > Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan nagdiriwang ng National Women's Month!

Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan nagdiriwang ng National Women's Month!

March 16, 2022

Opisyal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa pangununa ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang National Women's Month Celebration na may temang "We Make Change Work for Women, Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran". Ito ay idinaos sa flag raising ceremony sa Cabanatuan City Hall noong March 7, 2022. Kasabay nito, nagkaroon rin ng maikling programa ang CSWDO-Local Council of Women. Nagbigay ng pambungad na mensahe si CSWDO Head Ms. Helen Bagasao at sinundan rin ng inspirational messages mula kina Councilor Ruben Ilagan V at Mayor Myca Vergara. Nagsuot rin sila ng kulay lila na damit bilang pagpapahiwatig ng suporta sa women empowerment and gender equality.