Home > News > DOLE TUPAD

DOLE TUPAD

August 16, 2022

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD payout para sa 496 na displaced workers mula sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan.

Ito ay dinaluhan nina Cong. Rosanna "Ria" Vergara, Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, Presiding Officer Julius Cesar "Jay" Vergara, DOLE-Region 3 Director Geraldine M. Panlilio, DOLE-Nueva Ecija Director Mylene Evangelista at iba pang kawani ng DOLE at PESO-Cabanatuan.

Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho na may kaukulang sweldo na P420 kada araw. Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Cong. Rosanna "Ria" Vergara at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara.

 Ang payout ay ginanap ngayong August 4, 2022 sa Cabanatuan City Hall Covered Court.