HANDOG PARA SA DISTRITO nina Congresswoman Ria at Cabanatuan City Presiding Officer Jay Vergara, Dumating na!

Dumating na ang programang HANDOG PARA SA
DISTRITO nina Congresswoman Ria at Cabanatuan City Presiding Officer Jay
Vergara sa Cabanatuan City para sa pinakahihintay na pamamahagi ng mga munting
handog para sa kanilang mga ka-distrito. Iba't ibang barangay sa lungsod ang
mga nakatanggap ng timba ngayong unang linggo ng Enero, 2022 na naglalaman ng
mga sangkap para sa pangsalu-salo ng bawat pamilya tulad ng hotdog, spaghetti
sauce, pasta at maging bigas na MULA SA PERSONAL NA PONDO ng PAMILYA VERGARA.
Kasama sina Board Members EJ Ballesteros Joson at Jojo Matias ay binisita nina
Cong. Ria ang bawat ka-distrito at inalam ang kanilang kalagayan at mga
pangangailangan. Layunin ng programang #HandogParaSaDistrito nina Ria at Jay
Vergara na makapaghatid ng KALINGA NA LAHAT KASAMA AT WALANG PINIPILI sa buong
Ikatlong Distrito ng Nueva Ecija.
EVENTS |
---|
NOVEMBER 02, 2019 All Souls Day |
NOVEMBER 01, 2019 Mayor's Visit to Cemeteries |
SEPTEMBER 09, 2019 Eid'l Adha |
SEPTEMBER 02, 2019 Araw ng Nueva Ecija |
FOLLOW US |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() |
INTER AGENCY LINKS |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |