Home > News > Tuloy-tuloy na Pagbabakuna Laban sa Covid-19, Ginanap! A4 Priority Group, Sinimulan na din.

Tuloy-tuloy na Pagbabakuna Laban sa Covid-19, Ginanap! A4 Priority Group, Sinimulan na din.

September 02, 2021

Alinsunod sa DOH advisory na inilabas noong August 22, 2021, pinayagan na magsimula ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pagbabakuna ng mga mamamayan na kabilang sa priority groups na A4. Nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod sa pang-unawa ng mga taga-Cabanatuan na matiyagang naghihintay para sa kanilang bakuna. Sa wakas ay mabibigyan na ng bakuna ang mga A4 sa Lungsod ng Cabanatuan. Samantala, patuloy rin ang COVID-19 Vaccination para sa priority groups na A1, A2 at A3.