Home > News > Free Antigen Test para sa mga Mamayan ng Cabanatuan na may sintomas!

Free Antigen Test para sa mga Mamayan ng Cabanatuan na may sintomas!

February 04, 2022

Bilang tugon sa dumaraming kaso ng COVID-19, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsasagawa ng libreng antigen test sa mga taga-Cabanatuan na mayroong sintomas at close contact ng mga nagpositibo sa COVID-19. Ang antigen testing ay isinasagawa ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na mayroong antigen area o booth sa CDRRMO Bldg., City Hall Compound. Samantala, sa pamamagitan naman City Health Office ay pinupuntahan sa kani-kanilang tahanan ang mga pasyenteng may sintomas o close contacts. Narito po ang mga contact numbers ng City Health Centers na maaaring tawagan o itext kung ikaw ay close contact o mayroong sintomas ng COVID-19:

City Health Center 1 (Mayapyap Sur) 0919-081-3119

City Health Center 2 (San Josef Norte) 0999-222-6034

City Health Center 3 (Bangad) 0919-081-2883

City Health Center 4 (Mabini Homesite) 0919-081-1344

City Health Center 5 (Quezon District) 0919-081-1535

City Health Center 6 (Caalibangbangan) 0919-081-1485

City Health Center 7 (H. Concepcion) 0919-081-2983

City Health Center 8 (Camp Tinio) 0919-081-2895

Narito naman po ang mga contact number ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (antigen queries): 0999-229-3454