Home > News > Programang Government Internship Program o GIP, Inilunsad.

Programang Government Internship Program o GIP, Inilunsad.

June 04, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagkaroon muli ng Government Internship Program o GIP.Isa itong programa ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ito ay inilunsad ng Public Employment Service Office (PESO) ng ating lungsod. Naging posible ang programang ito sa pagtutulungan nina Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara. Ang DOLE-GIP ay alinsunod sa Executive Order (EO) no. 139 s. 1993, at DOLE Administrative Order No. 260-15, na naglalayong makapagbigay ng pagkakataon sa kabataan na makapagtrabaho sa mga ahensya ng pamahalaan. Kaugnay nito, ginanap ang orientation at interview na dinaluhan ng 45 na kabataan mula sa iba't ibang barangay. Sila ang mapapabilang sa Batch 1 ng DOLE-GIP na magtatrabaho sa loob ng tatlong (3) buwan. Pinangunahan ni Justine Salac, Labor and Employment Officer II ng DOLE-Nueva Ecija, ang nasabing orientation. Kasama rin dito si PESO Cabanatuan Supervising Labor and Employment Officer Ronneil Sanopo.