Home > News > Anti-Rabies Vaccination ng City Veterinary Office, Tuloy-tuloy sa mga Barangay!

Anti-Rabies Vaccination ng City Veterinary Office, Tuloy-tuloy sa mga Barangay!

October 04, 2021

Patuloy ang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pagsasagawa ng Anti-Rabies Mass Vaccination sa pangunguna ng City Veterinary Office. Mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop dahil ang rabies ay isang viral infection at animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal.